Chapter 09: Whereabouts of the Photographs

Magsimula sa umpisa
                                    

Speaking of abduction, sineryoso ni Margarette ang sinabi niya na hindi niya na ako guguluhin kapag nailigtas ako ni Loki sa costume room. Wala sa itsura niya ang madaling sumuko, pero dahil 'yon ang napagkasunduan namin, mukhang sinunod na niya ito. I could admire her for making good on her promise.

Nang nakarating na ako sa tapat ng clubroom, huminga muna ako nang malalim bago pinihit ang doorknob at itinulak ang pinto papasok.

"Good morning," bati ko sa lalaking nakaupo sa swivel chair at nakatalikod sa akin. Umupo ako sa monobloc chair na malapit sa kanya at inilabas ang notes ko. "Wala pa bang dumarating na client?"

Hindi naman ako ini-snob ni Loki kapag may tinanong ako na related sa club. Umangat ang tingin ko sa kanya at napansing medyo nagbago ang posture niya. Parang tumangkad siya 'tapos umayos ang hairstyle.

No, that was not Loki. That was someone else!

Bigla akong tumayo, napaurong ang upuan ko sa likod. "Sino ka? Hindi ikaw ang lagi kong kasama rito, ah?"

"I let myself in, I hope you don't mind."

Nanindig ang mga buhok ko sa buong katawan pagkarinig ko sa boses. It sounded lowly and gravely ... and somewhat familiar. Narinig ko na yata noon. Pero saan?

The guy turned his swivel chair—Loki's favorite spot—to see me face-to-face. My curious gaze met his dead-eye stare. His eyes looked into my very mind and heart, sending chills down my spine. I gazed into the window of his soul, but I saw nothing. His placid face was like that of a chiseled statue. It was devoid of any human emotion. A metal badge was pinned on his royal blue blazer's lapel.

Napalunok ako ng laway at napahakbang paatras. At the back of my head, I heard a faint voice telling me to run. But I could not. My legs were too terrified to move even an inch. My feet were rooted on the spot. Parang estatwa akong nakatayo.

Tumayo siya at inilagay sa likod ang kanyang mga kamay. Lumapit siya sa akin. Sa tangkad niya, kinailangan ko pang tumingala para matingnan siya. "Did I make such a terrifying impression on you?"

The second time I heard his chilling voice, it rang a bell on me. Hindi ako pwedeng magkamali. That was the same voice I heard noong ipinadukot ako ni Margarette. Siya 'yong lalaking kasama niya! Ngayong nakatayo na siya sa harapan at nasukat kung gaano siya katangkad, mas nakasiguro akong siya nga 'yon.

Teka . . . Siya rin 'yong lalaking nasa picture na pinagtutusok ng darts ni Loki sa apartment. At kung tama ang pagkakatanda ko, parang siya 'yong vice president na tinutukoy niya. So I was meeting the second highest student leader in all of Clark High?

He stood exactly a foot away from where I was, his cold eyes looking down on me. "Judging by your worried expression, I gather that Loki has already told you about me. Fear nothing. I am not an antagonist. I am here to ask for your club's help."

I could say that Loki's descriptions of the guy behind my abduction was not an exaggeration. He did reek of evil. Baka nasa walang buhay niyang mga mata o boses na sobrang lamig. Baka rin nasa aura na dala-dala niya.

"Oh, forgive my manners. I have not introduced myself properly." He stretched out his left hand. "My name is Luthor Mendez. I'm Loki's elder brother."

Namulagat ang mga mata ko sa kanya at halos malaglag ang panga ko. Tama ba ang dinig ko? Kuya siya ni Loki?

My left hand automatically responded to his friendly gesture and shook hands with him. Parang inilagay sa freezer ang mga kamay niya sa sobrang lamig n'on. Agad din nagkahiwalay ang mga kamay namin.

"WHAT THE HELL—"

Parehong nagawi sa bumukas na pinto ang tingin namin. Nakatayo roon si Loki, kapapasok lang sa clubroom, tila nanigas ang katawan nang nakita niya ang kanyang kuya. Halos nagsalubong ang mga kilay niya at tumalim ang kanyang tingin sa direksyon namin. Nakalabas pa ang pangil niya na parang asong handang mangagat.

Project LOKI ①Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon