Kabanata 3

1.3K 35 5
                                    

Kabanata 3

Binaba ko ang telepono ko at nahiga sa kama. 


Tinawagan ko kasi ang pinagpagawan ko ng sasakyan ni Zion. I offered them money para mas mapabilis ang pag-aayos dito ngunit kahit gaano kalaki pa daw ang ibayad ko, aabutin daw talaga ito ng dalawang linggo. Minadali pa nga daw iyon dahil ako ang kliyente, paano ba naman kasi ay may ibang materyales para dito na sa ibang bansa pa mabibili.


Gusto ko ng umalis si Zion dito. Dahil sa nangyari kahapon ay ang awkward ko na sa kanya. Nakakailang ng kasama siya. Lintik naman kasi ang kalandian ng lalaking iyon. Akala mo harmless, delikado pala. Broken hearted ba talaga 'yon? Kung makapanglandi sagaran. Matinik pa sa cactus, eh. Masyadong pafall.


Pafall? Bakit, nafall ka na? Aba, ang bongga naman ng pag-move on mo, Clarity. Ano ka si Mich? Ano, hindi mo sinadyang maghanap agad ng iba kasi nasaktan ka ng sobra?


Hindi ko na pinansin pa ang sinisigaw ng atrimitida kong konsensya at binalot ang sarili ng kumot. Pumikit ako at napangiti nang maalala ang pagtawa ni Zion kanina. Para itong bata na sobra ang galak.


Umiling ako at dumilat.


"Itigil mo ang kalandian mo, Clary. Wag kang kumerengkeng diyan." Mantra ko at tumitig sa kawalan, at ang pesteng nakangiting mukha ni Zion ay biglang lumitaw sa pader. Wala sa sariling binato ko 'yon ng unan at sumubsob sa kama. "Ahhh! Lumayas ka sa utak ko. Move on ang gusto ko, hindi ako naghahanapng panibagong sakit sa puso. Kaya please lang."


Sa paglilitanya ko ay nakatulog na ako. Mga ala-sais na ng gabi ako nagising, ang una kong dinampot ay ang cellphone sa tabi ko kung saan may iilang messages galing kay Mama at Papa. Tig-dalawa silang parehas. Habang si Zion ay dinaig pa ang spam message dahil umabot ng thirty plus ang text niya, tapos ay may sampu pa siyang missed calls. At hanggang ngayon ay tumatawag pa siya dahil kasalukuyang umiilaw ang cellphone ko at naka-flash ang pangalan niya sa screen nito. Inis na sinagot ko ito.


"Ano? Daig mo pa ang bangko sa pangungulit dahil sa umabot na ng limit ang credit card ko!" Sigaw ko, bumangon ako at bumaba para kumuha ng maiinom. Nakakauhaw ang pagtulog.

Tumawa siya sa kabilang linya dahilan para mapatigil ako sa paglalagay ng tubig sa baso. "Let's go to a club."

"I'm not in the mood." Simpleng sagot ko sa kanya, binaba ko ang pitsel ng tubig at kinuha ang baso at uminom.

I heard him gasp. "Come one, how can you forget your douche ex if you keep locking yourself in your room?"


Makakalimutan ko nga ang Ex ko kapag sumama ako sa'yo pero, maniwala ka sa akin, Zion, going with you won't help me neither. It will just worsen my situation. Bulong ko sa sarili, bumuntong hininga na lang ako bilang sagot sa kanya.


"I won't take no for an answer, Clarity..." Malambing na sabi niya. Lintik na malanding lalaking ito!

"Whatever. Pick me up at nine."


Dinampot ko ang twalya at bath robe ko at dumiretso na sa banyo upang maligo. Asa naman si Zion na in three hours' time ay matatapos akong magready paalis. Kulang ang tatlong oras sa akin para maghanda kapag gigimik dahil gusto kong palaging ako ang center of attention ng mga tao pagdating ko sa club. I want people to drool over me. In other words, I crave attention kaya hindi pwedeng bastang paghahanda lang ang gagawin ko papuntang bar, I may not really want to go there pero ayokong magmukhang panget.

Fix A HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon