Simula

2.8K 58 10
                                    

Simula:

        “Mga malalandi! Lalo na ang gagong iyon. Kung makapanloko akala mo kung sinong gwapo, kung sinong malaki ang ano! Eh, hindi naman! Kung alam niya lang pilit na pilit ang pag-ungol ko tuwing nagsesex kami dahil hindi naman siya magaling!” Tinapon ko ang isang teddy bear na dating binigay ng manloloko kong ex-boyfriend sa bonfire na ginawa ko kanina. “Tapos sa isang haliparot pa ‘yun niya ako pinagpalit? Chararat naman, lamang lang ng isang cup sa akin ng dibdib ’yun, eh tapos silicon pa. Hindi masarap lamutakin ‘yun, biglang sasabog!”

        Napapunas ako sa pisngi nang matapos kong ibuhos lahat ng pictures sa apoy at tumingala. Pesteng mga mata. Bakit kayo umiiyak para don? Gago naman ‘yon, ah? Hindi karapat dapat na iyakan ang mga katulad non. Useless. Pointless. Hindi worth it. Bakit mo iiyakan, eh, niloko ka nga? Tanga k aba? Akala ko puso lang ang tanga pati pala ang mata?

        Padabog na sinara ko ang pinto sa bakuran at dumiretso papunta sa aking kwarto. Kailangan kong umalis. Shopping therapy, o hindi kaya ay clubbing. Basta kahit saan dahil kapag nagmukmok ako dito ay maaalala ko lang ang gunggong kong Ex. Bawat parte kasi nito ay siya ang naaalala ko. Next week nga ay lilipat ako ng bahay. I’ll tell my lawyer to work on something para magawa koi tong ibenta sa madaling panahon. Bawat sulok kasi nito ay puno ng alaala naming. Bawat parte ay nabasbasan ng kalandian naming dalawa.

        Manyak na ‘yon. Siya ang una ko tapos ipagpapalit lang ako? Dapat pala inayawan ko ng ayain ako. Hindi naman pala worth it. Ang sabi pa niya he will never leave me tapos, oh anong nangyari? EDI WOW! Na-Mace ako ng That Thing Called Tadhana.

        Mabilis na naglagay ako ng damit sa summer bag ko at nagpalit ng damit. Tinawag ko ang kasambahay kong walang ginawa kundi ang mag-text at sinabihan itong pupunta ako sa resort namin sa Subic at baka sa susunod na lingo ako umuwi.

        “If ever na may maghanap sa akin, sabihin mo mag-e-mail na lang, ha?”

        “Hoy, Mimay! Type ka ng type diyan. Nakikinig ka ba sa akin?” Saway ko dito. Napapitlag siya at dumiretso ng tayo. “Pangiti-ngiti ka pa diyan.” Nakairap kong saad.

        “Betir se Ma’am. Nag-brik lang kayu ni Ser ang enet na ng olo niyu. Ih, kase Ma’am eyung buyprind ko enaaya akung mag-det!” Parang kiti kiti nitong sagot. Kung hindi ko lang pinagkakatiwalaan itong babaeng ito ay pinalayas ko na siya sa tabas ng dila.

        “Manahemek – peste – manahimik ka! Umayos ka, ah. Matagal akong mawawala. H’wag mong dadalhin ang boyfriend mo dito!” Banta ko at naglakad na papuntang garahe, sinundan naman ako nito at narinig ko muli ang pagtipa niya sa cellphone. Napailing na lang ako.

        Pinatunog ko ang kulay puti kong Sedan at nilagay sa back seat ang bag ko. Humarap ako kay Mimay na sa wakas ay hindi na nagtetext at nakatingin na sa akin.

        “Mag-iingat ka dito, ah?” Paalam ko sa kanya at niyakap siya. Sumakay na ako sa loob at binuksan ang makina ng sasakyan, si Mimay naman ay binuksan ang gate at lumabas na ako. Binaba ko ang bintana ng sasakyan. “Pakipatay na lang ‘yung apoy sa likod. At Mimay…”

        “Anu pu eyun?”  Halos matawa ako dahil nag-beautiful eyes pa siya habang sinasabi iyon.

        “Magbe-break din kayo ng boyfriend mo.” Humalakhak ako at humarurot na paalis.

        Napatigil ako sa pagtawa nang makalayo nang onti ang aking sasakyan at binuksan ko ang stereo upang hindi mabalot ng katahimikan ang buong sasakyan. Nagsimula ang kanta sa stasyon na napili ko ang isang pamilyar na tono. Isa iyon sa sikat na kanta ni Celine Dion mula sa pelikulang Titanic. Maalala ko ay iniyakan ko itong palabas na ‘to noong napanood ko sa sinehan. At ganon ulit ang naging impact nito sa akin nang muli itong ipalabas two years ago dahil iyon ang ika-isandaang taon mula ng lumubog ang barkong Titanic. I watched that movie with Sil – my cheating Ex-boyfriend.

Fix A HeartWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu