Kabanata 1

1.8K 52 7
                                    

Kabanata 1

        "We've been together since I was sixteen. He was my first love, first kiss, and first you know. Siya ang pinag-alayan ko ng lahat ng una ko, hoping that he, too, will be my last. But I guess it will never happen." Lumagok ako ng alak na dala ni Zion habang tinatanaw ang madilim na dagat

        Nang masira ko ang sasakyan niya ay hindi man lang siya nagalit. Nagpapasalamat pa nga siya dahil daw gusto na niya itong palitan dahil sa naaalala niya dito ang Ex-girlfriend niya — na gaya ko ay iniwan din siya para sa iba.

        May tao palang magagawang iwan ito? Eh, mas makisig pa ito kay Adonis. At kung nga hindi lang ako broken hearted ay baka pumayag ako kung ang sabihin niyang kapalit sa pagsira sa sasakyan niya ay sex, why not? I mean, kahit hindi ako uminom ng sprite ngayon ay magpapakatotoo na ako, he's a living greek god. And every woman desires to be with a greek god. Who wouldn't?

        "Ikaw, gaano nga pala kayo nagtagal ng Ex mo?" I asked at muling nagbukas ng isang can ng alak. Humampas ang malamig na hangin ngunit hindi naman iyon nanuot sa aking balat kahit ang sheer dress ko lang ang aking suot. The liquor made me feel hot already.

        "Two and a half." What? Two and a half lang tapos kanina ay parang ang tagal na nila kung magkwento siya. "I know that look. You see, the length of the relationship doesn't really matter, well, maybe it does but the impact of losing the one you love is the same even if you've been with them for a month, two months, a year or ten years. Wala namang pinagkaiba 'yon. If love hit you, it will surely hurt. Big time."

        Umismid ako at inirapan siya. "Wala na nga ako sinabi ang haba pa ng explanation mo. Guilty lang, dude?" Sabay kaming tumawa at nag-cheers bago inisang inom ang alak na hawak.

        Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa, tanging ang lagaslas ng hangin at ang alon ng dagat ang maririnig mo. Nakakapangpakalma nga ang tunog kaya napapikit ako. I feel at ease.

        "About the car," mahinang napamura ako nang maalala ko iyon. "Should we ruin your ex's car?"

        Lumingon ako sa kanya, akala ko ay nanloloko lang siya. But he's dead serious. Walang bakas ng joke o trip-trip sa mata niya. Mukha ngang desidido talaga siya sa sinabi niya.

        "Wag na. Nakasira na ako ng isang BMW. Tama na yon. At wala na ako sa moment. Kung bakit naman kasi parehas kayo ng sasakyan, at ang lintik na plate number niyo ay halos parehas." Nagkibit balikat lang siya at muling tinanaw ang dagat. "Nakakatawa, talagang pinagsama pa tayong parehas na sawi. Ano ito, reunion ng mga naloko?" We both laugh.

        Tinanong ko sa kanya ang oras. Mag-aalas-dose na pala ng hatinggabi. Halos tatlong oras na pala kami nitong magkasama at nag-uusap.

        "Anong ginawa mo nang malaman mong niloko ka niya?" Muli kong tanong. Ako lang naman ang nag-oopen ng yopic sa aming dalawa.

        "Wala. I just told them to go to hell." Ngumisi ako. Parehas pala kami. Ang kinaiba ko lang ay halos sabuyan ko ng muriatic acid si Miles. At kung hindi pa ako agad napigilan ni Rosie ay baka sunog na ang pagmumukha ng babaeng iyon at naputulan ko na ng sandata ang gunggong kong Ex.

        Muli kaming natahimik. Wala na akong masabi. Ubos na ang laway ko kakatanong at kakakwento sa kanya, ang neurons naman sa utak ko ay nabawasan na ng ten percent kakaisip ng topic. Napakatahimik naman kasi ng lalaki ito. Buti na lang gwapo at hindi ako masyadong nabobored. Pwede ko naman kasing titigan ang mukha niya kung wala na akong masabi.

        Broken hearted na nga ako pero hindi pa din naaalis ang kamanyakan ng utak ko.

        “Am I unattractive? I mean, paano niya ako napagpalit doon? Sexy naman ako. Well, mas sexy lang ‘yung babaeng ‘yon dahil nagpadagdag siya ng dibdib.” Biglang saad ko. Hindi ko kasi maiwasang magtaka. I’m likable – oo, may pagka-palikera ako dahil hindi talaga mapreno ang bibig ko sa pagmumura, pero maganda naman ako ah.

Fix A HeartWhere stories live. Discover now