"Loka, tutugtog lang kami at hindi makikipagdigmaan. Sige na puntahan mo na si Batchi." Humalik ito sa pisngi ko at umalis na.

Nawala lahat ng pagka-dismaya ko ng makita ko si Jade. Buong buo na ang gabi ko. Hindi lang gabi, buong buo na ang taon ko dahil sa pagpunta niya. Kinuha ko ang aking violin at naglakad papunta sa entablado ng may ngiti sa aking mga labi.

I searched the audience and there... I saw her amidst the crowd with her eyes shining bright and a smile that could melt anybody's heart. She gave me a thumbs up while Batchi waved at me, I placed my bow on the strings locked my eyes on her and started to play.

After my performance, I immediately went backstage where I was welcomed with a warm tight hug.

"Ang galing galing mo! I'm so proud of you!" Sabi ni Jade habang nakayakap parin sakin.

She broke the hug and gave me a bouquet of flowers. A dozen sunflowers. My favorite.

"Para san 'to? Nanliligaw ka ba?" Sabi ko habang pinagmamasdan ang mga bulaklak.

"Ah.. Eh... Hindi 'no! Ano ka ba! Diba usually after mag perform binibigyan talaga ng flowers kaya ayan, dinalan kita." Sabi niya na parang nahihiya.

"Ah... Okay. Salamat." Nakangiting sabi ko. Napansin kong parang naluluha si Jade kaya naman inabot ko ang kamay ko sa mukha niya at pinunasan ang luha niyang tutulo na.

"Oh, bakit ka naiiyak?" Tanong ko.

"Wala lang. Sobrang galing mo kasi at sobrang proud ako sa'yo. Pasensya na at mababaw talaga luha ko." Pinunasan niya ang luha niyang natira at natawa sa sarili niya.

"Ehem nandito ako." Nakita ko sa likod si Batchi na nakangiti sa akin. Nasira moment namin pero natuwa naman ako ng makita ko ang kaibigan ko.

"Batchi! Thank you sa pag punta!" Lumapit naman ako sakanya at niyakap ito.

"Ang galing mo, Tsong! Pero kahit pala hindi na ko pumunta okay lang eh. May support system ka naman oh." Nakangising tawa niya.

"Baliw ka talaga! Syempre I want my friends to be here with me during my first performance on stage 'no." Sabi ko naman when I heard a phone ring.

"Wait lang guys. Si Dada. I have to answer this." Sabi ni Jade at lumayo.

"Iba ngiti mo ngayon ah. Lalo kang pumopogi." Banat ni Batchi.

"Ako nanaman nakita mo ah!"

"Eh sino pa nga ba? Pero tsong, anong plano mo diyan?" Naging seryoso ang mukha niya.

"Pinagsasabi mo diyan?" Pagmamaang-maangan ko.

"Wag ka na nga magpa-ligoy ligoy pa, tsong! Kilala na kita eh. Nakita na kita mahumaling sa mga chicks mo dati pero ngayon lang kita nakitang ganyan. May iba eh. Ano, umamin ka na kasi." Pagpipilit nito.

"Ewan ko, Batchi. Basta masaya akong kasama siya. Lahat ng pagod at problema ko nawawala pag siya kausap ko." Pag amin ko.

"So anong plano mo diyan?"

"Wala akong plano. Masaya na ako na kaibigan ko siya, ayokong sirain yun ng dahil lang sa gusto ko ng higit pa. Di naman siguro masama na mahalin siya ng patago diba? Hindi naman niya kailangan malaman. Kuntento na ako sa kung anong meron sa amin."

"Bakit ayaw mong aminin sakanya nararamdaman mo? Malay mo ganun din naman pala siya sa'yo?"

"Malabo ata 'yan, Batchi." Sagot ko naman.

"Anong malabo?" Kinabahan akong bigla ng makita kong nakabalik na pala si Jade.

"Ah wala, malabo kasi niyayaya ko si Batchi na lumabas tayo ngayon kaya lang may lakad ata siya kaya malabong makasama siya." Pangangatwiran ko.

Why I Have ToWhere stories live. Discover now