Gusto ko sanang ipaalala sa kanya na hindi naman siya ang usually gumagawa ng kanyang school works pero gaya ng sabi niya ‘I don't study hard. I study wise.’

“Pero pa'no mo naiintindihan ang mga bagay-bagay?”

Tumayo siya matapos iligpit ang mga gamit saka humarap sa'king poker faced. “I attain the state of ataraxia by suspending notion,” Usal niya bago ako lisanin. “because I only comprehend things when I'm less upset.”

Sa paglipas ng oras, iba na naman ang pinagkakaabalahan ngayon ni Heather.

Sa ingay na ginagawa niyang pagbarena sa mga mahahabang kahoy ay 'di ko na naiwasang pansinin siya.

“Ano bang ginagawa mo?”

“Stretched canvas.” Tipid niyang sagot. Mukhang busy kaya hinayaan ko na lang ulit at bumalik ako sa pag-browse ng internet pero di ko pa rin maiwasang tingnan siya.

Na-assemble niya sa square 'yong mga mahahabang kahoy. Tingin ko, frame 'yon para do'n sa sinabi niyang stretched canvas. Ngayon ay guntacker naman ang hawak at kasalukuyan itong ginagamit pang-attach ng canvas cloth do'n sa frame.

Maski ano yatang gawin ng babaeng 'to, maganda pa rin kahit saang anggulo. Mas naging magulo ang buhok niyang naka-messy bun kaya ang ilang mga hibla ay nasa harap na ng mukha niya pero wala naman siyang pakialam. Ang hot niyang tingnan sa suot niyang over-sized long-sleeved shirt, na bawat manggas ay nakalilis pataas hanggang siko at sa laki ay hindi na gaanong kita ang suot niyang boyleg panty.

Bigla akong na-curious dahil sa naisip. “Kanino 'yang shirt na suot mo?” Halata kasing panlalaki kaya malamang na hindi sa kanya.

Napahinto siya at lumingon sa'kin bago tingnan ang mismong suot. “Kay Rashif.”

“Ba't nasa'yo?” Alam kong hindi ko na dapat pakialaman pa, pero hindi ko rin maawat ang sariling magtanong.

“Naiwan niya noon.”

Hindi ko alam kung masyado siyang occupied sa ginagawa o tipid lang talaga siyang sumagot.

Hindi ko maiwasang makapag-isip ng kung ano-ano.

Lalaki si Rashif at babae si Heather.

Nakaiwan ng damit dito 'yong lalaki. Ibig sabihin, nag-stay siya rito. Gaano katagal? At bakit?

Siya kaya 'yong kutob kong unang nakasama rito ni Heather?

“Nag-stay siya rito?” Di ko na naman naiwasang itanong.

“Yeah, for a while. Siya 'yong kumuha nitong pad para sa'kin. Actually nabayaran na niya 'to ng ten years. Bahay at lupa nga dapat 'yong kukunin niya pero sabi ko apartment na lang. Mag-isa lang naman kasi ako.”

“Nagsama ba kayo?”

Tiningnan niya ulit ako at bahagyang natawa. “Anong iniisip mo? Nag-live-in kami?”

“Malay ko. Kaya nga ako nagtatanong.”

“Anong kulay ng iniisip mo?” Pagpapatuloy niya sa aming usapan kahit busy na ulit sa ginagawa. Pinapahiran niya ng puting pintura 'yong buong surface ng canvas.

“Ewan.”

“Siya 'yong kasama kong nagpunta dito sa Pilipinas, when I made up my mind to stay here. Siya ang sumagot sa lahat kapalit ng pagpapanggap naming nagdi-date.”

“Pwede ko bang malaman pa'no kayo nagkakilala or pa'no nagsimula 'yang pagpapanggap niyo?” Labag man sa isip ay ginawa ko pa ring alamin.

Unti-unti kong nakakabisado ang ugali ni Heather dahil sa pagsasama namin bilang roommate pero hindi naman sapat ang pang-oobserba lang at madalas na kwentuhan. Gusto ko pa siyang makilala nang higit sa pagiging roommate lang. Wala sa interes ko ang mang-usisa sa buhay ng ibang tao pero tanging pagtatanong lang din naman ang alam kong paraan para mas makilala pa si Heather hindi lang sa ugali kun'di ang buong pagkatao.

Haraam (GxG)Where stories live. Discover now