Ch. 24: Changes

174 9 3


Mishiela Salvador


Ginamot ang sugat ko at bago pa man magsi-akyatang uli ang mga students galing flag ceremony, iniwan na ako ni Nathe. Maayos naman siyang nagpaalam at nagsorry pa dahil nabangga ako sa kanya. Ang strange ng ginawa niya kasi, bakit siya nagsorry bigla eh kanina lang ako ang sinisisi niya sa nangyari sa'kin? Which is true naman, ako naman talaga ang may kasalanan kanina.


Sinadya ko kasing bungguin siya.


Weird, yes. Bakit ko sasadyaing bungguin siya, di'ba? Kanina kasing habang naghahanda na kaming bumaba, napasilip ako sa labas at nakita ko siya mula sa labas ng room nila, sila ng gang niya. Nahuhuli siya sa kanila and insane part of my mind decided na sabayan sila bumaba. Hinintay ko silang dumaan sa room namin pero nakadaan na ang lahat pero si Nathe hindi pa rin. At noong sumilip ako sa hallway, nakita ko siya sa gilid at mabagal na naglalakad at parang may iniinda.


Nagdalawang isip ako bigla. Bababa na ba o lalapitan si Nathe?


Pinili kong bumaba pero paglabas ko ng room ang paa ko sa pwesto ni Nathe pumunta. Dapat kukumustahin ko lang ang lagay niya kasi parang hindi maganda, pero hindi ko na alam kung anong nangyari habang papalapit ako sa kanya. Basta nagpanic ako at nagbalak umatras pero hindi ko nagawa. Then the next thing I knew, nasa sahig na ako at nanhahapdi ang tuhod dahil nang bumunggo ako sa kanya ay nawalan ng balanse ang isa kong binti, padulas at pakaskas iyong bumagsak sa sahig.


Matapos lumabas ng clinic ni Nathe, nagpasabi ako sa nurse na kung pwede manghingi na lang ako ng excuse slip para umuwi na lang ako. Ayokong pumasok sa classroom ngayon na iika-ika at mas ayaw kong makita ng mga kaklase ko ang nangyari sa tuhod ko. Baka isipin nilang ang clumsy ko.


"What happened to you, Ishii?" alalang salubong sa'kin ni mommy, mukhang galing siya sa kusina at tumutulong sa pagluluto kasi naka-apron pa siya. "Bakit ang aga mo umuwi? May sakit ka?" bigla niyang kinapa ang leeg at noo ko, amoy ko pa ang sibuyas sa kamay niya.


Bigla ay parang gusto kong maiyak. Yinuko ko ang tuhod ko at sinundan iyon ng tingin ni mom.


"Oh my God!" bulalas niya kasabay ng pagluhod niya sa tuhod ko. Napalabi ako. "Anong nangyari? Who bullied you?" tumayo siya at lumapit sa may telephone. "I'll gonna call your dad to tell this. Gusto mo na bang magpalipat ng scho"


"Mom, stop it. Ako ang may kasalanan nito. Hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko." awat ko saka unti-unting humakbang palapit sa sofa. 


Nadaanan ko ng tingin ang hagdan, isa 'yan sa magiging enemy ko mamaya. Ngayon pa lang iniisip ko na kung paano ako makakarating sa room ko.


Bumalik siya sa tabi ko.


"Ha? Self-accident?"


Sumandal ako sa sofa at pumikit. Pumasok sa isip ko ang nangyari kanina at ang interaction namin ni Nathe. 


"Nagamot na ba iyan? Paano mo nakuha iyan? Wala ba talagang nangbully sa'yo? Tell me."

He's Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon