1(2)

2.8K 41 0
                                    

MARYA

"ANO ba nasasaktan ako Manolo" bahagya ko siyang itinulak pero lalo lang niyang idinikit ang sarili niya sa akin.

"What was that about?! Kahapon lang nagtatapat ka na mahal mo ko! Tapos ngayon nilalandi mo naman ang kapatid ko! Ano ba talaga Marya?" Napalunik akong nakatingin sa mukha niya. His always calm hindi siya tipong parang si Mario na bomba. Any minute pwede sumabog. Pero ngayon parang nag-iba siya ang mga mata niyang kulay chokolate ay biglang naging madilim.

"Ano ba yang pinagsasabi mo?" Hindi ko talaga maintindihan ang point niya sa mga pinaggagawa niya ngayon.

"Pinagsasabi ko?! Wala! Pakshet!" Binitawan niya ako at pinagsisipa ang damo. "Alam mo! Wala akong pakialam! Bahala ka sa buhay mo! Wal akong pakialam sayo!" Naglakad na siya papalayo sa akin. Naiiyak ako. Ang sakit. Ano bang pinapalabas niya na malandi ako? Kasi ba nakikipagkatuwaan ako sa kapatid niya? Siya ang mahal ko sinabi ko na sa kanya at matagal ko ng naparamdam pero ano ba yong mali sa ginawa ko.

Hinaplos ko ang braso ko na hawak niya kanina. Yung Manolo na kilala ko hindi nananakit. Baka naiinis siya sa akin kasi nagtapat ako sa kanya pero hindi naman siya interisado sa akin. Naglakad ako pabalik sa mga tao. Nag-iinuman na silang mgakakapatid  nandoon si Manolo at nakikiinom din na parang wlaa lang nangyari. Tinignan nila ako habang papaupo. Binigyan ako ni Mario nang tagay. Hindi pa man nakakalapag yun sa mesa at tinungga ko na.

"Whoa!" Naghiyawan sila at ngumiti lang ako. Pretend. Ditan diyan magaling, Marya. Ang magkunwarin.

"Wuhuuuu!" Ini-straight ko ulit ang tagay na bigay niya. As mu h as possible ni hindi ako tumitingin kay Manolo. Ayoko.

MANOLO

"OH! And the car went so fast that I-" tumawa siya bigla nang tapikin siya ni Mario sa balikat at binulungan.

"Lasing na si Marya" binulungan ako ni Kuya Manuel. Hindi ako nagpapahalata na may pakialam ako kung napapano na siya. Ayokong nababasa nila ang nararamdaman ko. Lalo na si Marya kasi wala pa sa panahon.

"Tapos?" Tinignan ko siya.

"Ihatid mo na yan" tumayo si Kuya Manuel at inay na si ate Bobie na pumasok sa bahay. "Ihatid mo siya, Manolo"

I just nodded. Naiinis na tinignan ko si Marya na kung makatawa parang kinikiliti sa singit pati si kuya Mario parang ang tanga sa kakatawa. Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Iuuwi na kita" hinila ko siya patayo at kinaladkad papunta sa garahe.

"Teka-hik! Nahihilo ako-hik" nakahawak siya sa ulo niya. Tapos tumawa na naman siya. Naiinis na binuksan ko ang kotse ko at hinila siya para makapasok sa kotse.

Manolo's LoveWhere stories live. Discover now