Umalis din siya sa harap ko pero agad namang bumalik na may dalang tuwalya at ibinato iyon sa'kin. Ngayon ko lang napagtantong basa pala ang mukha ko dahil sa paghilamos kanina.

"Vanessa ang pangalan ko. Hindi 'Hon' o 'Honey' o kung ano man." Paalala ko matapos punasan ang mukha at saka na lumabas ng banyo.

"Bakit ba parati kang seryoso?"

Hindi ko na siya inimikan pa. Dumiretso ako sa itaas ng double-decker na kama. Dito kasi sa itaas ang higaan ko at siya naman sa baba.

"Kumain ka na?" Tanong ulit ni Heather pero nagkunwari akong walang narinig. "Hey, hon! Kumain ka na?"

Nagulat ako nang may yumugyog sa kinahihigaan ko. Letche! Pa'no niya nagawa yun sa gano'ng katawan? I mean, hindi ko inaasahang magagawa ng isang babaeng may balinkinitang katawan ang yumugyog ng double-decker bed na gawa sa kahoy.

"Pwede ba? Wag mo 'kong tawaging Hon." Sabi ko nang nakatalikod pa rin sa kanya.

"Okay babe." Pang-aasar na naman niya. "Anyway, bibili ako ng makakain. Ibibilhan na lang din kita siguro?"

"You don't have to. I'm done."

Bigla siyang natawa. "Feeling mo naman gagawin ko talaga? Ano ka, siniswerte?"

Sabi na nga ba papansin na naman. Hindi na 'ko nagsalita pa pero umisod ako paharap para bigyan siya ng mid-fing sign.

"Yan ba gusto mo?" Sarkastikong tanong niya.

Napabuga ako ng malalim na hininga. "Pwede ba? Umalis ka na at kumain mag-isa. Iwasan mo 'ko. Naiirita ako sa'yo, sa totoo lang."

Umalis nga siya sa kinaroroonan ko. Ini-off niya ang ceiling fan at ang air-conditioner ang binuksan. "Kumain na 'ko. I just got back here kasi mamayang 3pm pa ang next class ko." Bumalik siya at naramdaman ko ang paghiga niya sa kama. "Oo nga pala, diba magkaklase tayo dun?" Naramdaman ko ulit ang pagbangon niya at dumukwang na naman para tingnan ako.

"So?" Umisod ako patalikod dahil nabubwisit ako sa mukha niya.

"Bakit ba ang sungit mo?" Naramdaman ko na naman ang pagbalik niya sa kanyang higaan. "May monthly period ka ba kaya ka ganyan? O talagang ganyan ka na? Or baka naman araw-araw kang nireregla kaya ka ganyan?"

Mariin kong ipinikit ang mga mata at pinilit ang sariling wag siyang pansinin.

* * *

Hindi kami sabay na pumasok ni Heather kahit pa pareho ang papasukan naming klase ngayon. Mas nauna siyang umalis.

"Late ka na naman, Steffan." Puna na naman sa'kin ni Jade kahit pa mukhang nag-l-lecture na si Sir dahil abala ito sa pagsusulat ng kung ano sa white board.

Sinamantala ko ang pagkakataon para magpunta sa bandang likod at doon umupo.

At dahil iilan lang kami sa klaseng ito, pansin ko agad ang pagkawala ng isang presensya.

Nauna siyang umalis pero bakit wala pa siya rito?

Biglang bumukas ang pinto.

Speaking of the... alien.

Basta na lang siyang pumasok at kagaya ko ay hindi rin siya nagsabi ng 'Good afternoon' o humingi ng paumanhin kasi late.

Inalis ni Jade ang bag niyang nakalagay sa isang upuan dahil sa pag-aakalang doon uupo si Heather pero nilampasan niya ang lahat ng bakanteng upuan sa harap at sa gitna. Dumiretso siya sa kinaroroonan ko at sa tabi ko naupo.

Sakto namang natapos sa pagsusulat si Sir at humarap. Napatigil sa akmang pananalita at dumako ang tingin sa'ming dalawa ni Heather na nakaupo sa pinakahuli. Nakapagtatakang wala itong sinabi at ipinagpatuloy na lang ang pagtuturo.

Sa kalagitnaan ng lecture, nawalan na 'ko ng interes na makinig pa at magsulat. Itong katabi ko namang alien, kunwaring nagta-takedown notes pero kung anu-ano lang ang mga pinagsusulat sa note book.

WHAT'S UP HON?

Iyan ang nabasa kong nakasulat ngayon sa notes niya.

"Sky." Mahina kong komento. Walang mapagdiskitahan eh. Nabo-bore ako sa subject kaya papatulan ko na lang 'tong trip ni alien.

Napatingin siya sa'kin. "Sky?" Tanong din niya sa mahinang boses na kami lang yata ang nagkakarinigan.

"You're asking me 'What's up'. My answer is sky."

Napatingin siya sa itaas at pilyang napangiti nang ibalik ang tingin sa'kin. "No hon. It's the ceiling."

"Ms. Oppenheim and Ms. Steffan," Sita sa amin ni Sir. "Hinayaan ko na nga kayong umupo sa kung saan niyo gusto tapos magdadaldalan pa kayo?"

Pokerfaced na humarap si Heather rito na para bang walang nangyari. Kaya gano'n na lang din ang ginawa ko.

Pansin kong resting-bitch-face 'tong si Heather sa iba. Mukha kasi siyang hindi approachable at may sariling mundo kaya naman ipinagtataka ko ngayon kung bakit pagdating sa loob ng pad ay masyado siyang madaldal at ang lakas pang mang-alaska sa'kin. Lagi nga akong pinagti'trip'an. Pero bakit pagdating dito parang napaka-distant niya sa iba? Kahapon nga no'ng sinisita ako ni Sir dahil sa pag-upo rito sa likod, nakatingin lahat sa'kin ng mga kaklase ko pwera lang siya.

"Class dismiss."

Nagsitayuan na ang lahat at si Heather ang nangunang lumabas. At sa bagal kong mag-ayos ng mga gamit, na-corner tuloy ako nila Jade.

"Hoy, ano yung pinag-uusapan niyo kanina?" Usisa agad nito sa'kin.

"Kambal mo ata 'yon Van eh." Singit naman ni Ysa. "Pareho kayo. Parang may sariling mundo."

"Chrue." Tugon ni Anica. "Kaklase rin namin 'yon sa World Lit. Wala siyang ka-close sa buong klase."

"Kapag kakausapin namin 'Yeah' at 'Nope' lang ang sagot." Dagdag pa ni Jade. "Parang masungit. Sayang. Ang ganda pa naman."

Sabay namang napatingin kay Jade ang mga kaibigan nito nang may pagtataka. Proud and out bisexual ito pero bakit parang hindi pa rin nila kilala si Jade. Magkakaibigan ba talaga 'tong mga 'to?

Sinamantala ko ang pagkakataon para umalis at nang makalayo na sa kanila.

Tama nga ang mga naging obserbasyon ko. Mukhang mataray nga para sa iba si Heather. Pero di ko pa rin maiwasang magtaka kung bakit pagdating sa'kin ay kabaliktaran naman ang iniaasal niya. Ang alien talaga no'n.

Baka nga introverted type of person or stoic...pero bakit parang nag-eenjoy sa pangdidiskita sa'kin tuwing kaming dalawa lang? Hmm... Kung gano'n nga, ibig sabihin isa siyang bully pagdating sa'kin?

Haraam (GxG)Where stories live. Discover now