“Tumayo ka Ray kung ayaw mong mapilitang tumayo na lasug-lasog ang katawan.” Seryoso kong pakli dito.

Mabilis pa sa alas kwatrong tumayo naman ito. “Louie naman eh!”

“Tapos na ang usapan. Basta ayoko na.”

“Hindi pa rin tayo break.”

Napahilamos ako sa mukha sa frustration. “I don’t want to sugarcoat this anymore. You always left me with no choice. HINDI NGA KITA MAHAL RAY! Naiintindihan mo ba ang mga salitang yon? HINDI. NO. NADA. NIL. WALA. ZERO FEELINGS. Kung hanggang langit ang pagmamahal mo sakin, ako, ni hindi pa tumubo sa lupa. Ayaw tumubo. Nagkalahar. Natuyot. O gusto mo pang idescribe ko kung bakit natutuyot ang lupa? Sabihin mo lang ng maliwanagan na yang kukute mong sobrang kitid.”

“Louie naman eh!” nagpapadyak pang sabi nito sabay hawak sa kamay ko.

“AYOKO NGA SAYO!” Hindi ko na talaga maiwasang hindi mapalakas ang boses. Bahala na mapa-guidance ulit. Bahala na mainis lahat ng tao. Wala na akong pakialam sa mga yan!

“Magpapakamatay ako,” seryoso at pagbabantang sabi nito sakin.

Arrrrrgh poteeeeek! Kainis ka! Kala mo matatakot mo ‘kong gago ka?!

“Halika.” Kinaladkad ko siya patungo sa flag pole sa stage.

“T-Teka. S-San tayo pupunta?” Kinakabahang sambit nito habang pinapahid ang mga luha.

“Magpapakamatay ka diba? Tutulungan kita ng matuluyan ka na.”

“NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!”

Malakas na sigaw ni Ray na nagpatigil sa lahat ng estudyante.

Napabalikwas ako ng bangon. Inabot ko agad ang tubig sa side table at uminom. Syet. Hanggang sa pagtulog ba naman binabagabag ako ni Ray? Hindi na nakakatuwa ‘to. Hays. Pinindot ko ang controller at pinaandar ang mga ilaw bago seryosong tinignan ang kalendaryo.

Huwebes. Third Day na pala namin ngayon ni Ray na mag-on. Nakakalungkot mang isipin pero bakit tingin ko ilang taon na akong may dinadala sa dibdib? Bakit hindi na ako kumportable sa company niya di katulad dating magkaibigan kami?

Malapit na ang Sabado. Prom.

Parang ang daming nangyari at mangyayari pa sa loob lamang ng isang linggo. Hindi ko maiwasang mapailing. Tinitigan ko ang tatlong checklist na nakasulat sa bulletin board. Ang checklist ni Ray. Kinuha ko ang dart sa drawer at seryosong tinitigan ang araw ng Huwebes bago sapul na tinira ang full moon na nakaguhit doon.

 

It’s time to wake up its six o’clock Louie. It’s time to wake up!

 

“Kanina pa!” Pabalang na sagot ko sa talking alarm clock na animo’y totoong tao ang kausap bago in-off ito at patamad na gumayak na.

Miss AstigWhere stories live. Discover now