Chapter 10

6.7K 207 8
                                    


-Margo-

*

Dumating na ako sa meeting place namin. Biglaan na meeting to kaya kinakabahan ako kung may problema ba o ano.

"Hi Tita." sabay beso ko sa aking handler.

"Margo upo ka."

"May problema bah?" tanong ko agad sa kanya .

"Malaki!" agad akong kinabahan sa sagot ni Tita. "Margo akala ko ba nagkaintindihan tayo." sabay pakita niya sa contract ko at sa mga pictures namin ni Reyka. Nanlaki ang mga mata ko. Bakit may mga pictures sila sa amin ni Rey.

"Tita, friends lang kami!"

"Alam mo bang kilala ng mga press ang girlfriend mo na si Reyka Firzgerald .. Anak siya ng business tycoon sa atin Margo .. kilalang at maimpluwensiyang tao ang Dad niya, ang family niya, gusto mo bang madamay siya ,sila?! Simula pa lang nag uusap na tayo na hindi ka pwedeng magka relasyon hanggat hindi mo pa natatapos ang kontrata dahil makakasira ito sa image mo at ng on screen loveteam mo."

"Friends lang kami ni Reyka Tita at hindi ko nakakalimutan ang usapan natin pati na ang kontrata ko!" sagot ko sa kanya .

"Gawan mo ito ng paraan bago sasabog ang issue at makadamay pa tayo ng ibang tao! Kung girlfriend mo si Miss Fitzgerald ,dapat ngayon din gawan mo ito ng paraan oh kung pwede nga lang din titira ako sa place mo para masigurado na hindi mo yan talaga girlfried dahil alam ko magkapitbahay kayo. At kung girlfriend mo si Reyka, please , hiwalayan mo na siya bago pa may makaalam na iba."

Hindi ako nakapagsalita. Para akong sinakluban ng langit at lupa. Ang hirap ,kailangan ba talaga na ganito. Akala ko sa movie lang to nangyayari ,pati pala sa totoong buhay ko? Mahal ko ang trabaho ko ang pangarap ko pero mahal ko rin si Reyka. Mahal na mahal.

"Bibigyan kita one week margo .. One week!!"

~~~~

Pagkatapos ng meeting namin ..umuwi muna ako sa bahay nina mommy at dun ako nag isip kung ano ang dapat kung gawin. Gagawa ako ng paraan.. Wala akong isusuko ...

"Are you okay hija?" si mommy.

"No mom ,im not okay."

"Why? anong problema ?" tanong ni mommy sa akin .

"Sa work ... pinapili nila ako mommy ,ang career ko ba o si Reyka?"

"Hija, ikaw lang ang makakadesisyon niyan, kung anong mas matimbang sa puso mo, minsan ganun ang buhay hija , may isusuko talaga tayo para sa kabutihan natin at para sa pangarap natin at higit sa lahat para sa kabutihan ng lahat.

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni mommy. Tama siya pero ang hirap. Ang hirap.

---

Reyka
calling ....

Agad ko itong sinagot ...

"Hi babe".

"Mahal ko .. andito na ako sa sasakyan, pauwi na. Where are you?"

"Ahm babe di mo na ako uuwi sa bahay. Andito ako kina mommy .Dito muna ako magpapalipas ng gabi."

"May problema ba ?" usisa niya sa akin.

"Mag usap tayo bukas pag ka uwi ko, early ako uuwi."

"Okay babe, sige pahinga ka nalang muna dyan sa inyo."

"Okay babe .. iloveyou bye."

"Iloveyoumore."

At binaba ko na ang phone.

Humiga na ako sa kama. Nag iisip .. ayukong madamay si Reyka. Hindi siya sanay sa buhay showbiz o anumang tsismis lalo na ang family niya. Hmmm...May naisip na ako na paraan .. Sana mag work ito ... Sana ...

~~~

Umuwi agad ako ng bahay ... para makausap si Reyka ..Nang dumating na ako, agad ko siyang pinuntahan sa kanila .

Tok!Tok!Tok!

Agad niya itong binuksan.

"Hi babe ..." sabay hawak niya sa kamay ko at pinapasok sa loob ng room niya.

Yinakap niya agad ang leeg ko at yinakap ko naman ang beywang niya.

"Babe may pag uusapan tayo huh?"

"Ano ba kasi ang problema?" sagot niya sa akin na nakasimangot.

Sinabi ko sa kanya ang problema.Natahimik siya ..

"Maghihiwalay na ba tayo?"

"No babe. Hindi tayo maghihiwalay,may naisip ako na paraan at sana ,sana sasang ayon ka."

"Anong paraan?" napatingin siya sa akin.

"Babe mag dedinner tayo tonight at siya ang tutulong sa problema natin."

"Sino?"

"Malalaman mo mamayang gabi and please trust me babe, ito lang nag paraan para malusutan natin ang problema dahil ayukong mawala ka sa akin. Ayukong paghiwalayin nila tayo."

Hindi na umimik si Reyka..Yinakap ko siya ng mahigpit at yinakap na rin niya ako.

~~~

Nag order na kami ng pagkain habang hinihintay namin ang taong makakatulong sa amin.

Nagkwentuhan muna kami .. at nang dumating na ang hinihintay namin agad ko siyang sinalubong.

At pinakilala kay Reyka.

"Babe meet my halfsister Hope, Hope Tanaka.."

~~~~

Anong paraan ang naisip ni Margo?! at ano ang magiging papel ni Hope sa plano nya?!"

Ano kaya ang naging reaksyon ni Reyka nang makita at malaman nya na si Hope pala ang halfsister ni Margo?!"

#exciting #kinabahanNaMe

Abangan........

"Fansign Book 2"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon