Chapter 8

7.1K 220 13
                                    


-Margo-

*

Agad kaming nag impake ... Nagdesisyon kaming bumalik na sa manila ngayon na din para kinaumagahan nasa syudad na kami...

Dahil sa may hindi nakakapagsunduan ang mga productions and producers ng movie kaya kinancel na ang taping dito sa province.

Laki ng ngiti ko sa nangyari kasi makakauwi na kami ng manila at makakasama ko na si Reyka.

~~~~

Dumating na ako ng bahay ... Papasikat na ang araw ng makarating ako dito .....Ang dami kong antok.. Tinulungan ako ni Ate marie sa pagpasok ng mga gamit ko sa loob ng bahay.

Pumasok na ako sa kwarto ko at agad humiga at nakapikit na ako ....

Bigla akong nagising sa tawag ng phone ko ...

Daddy

calling

Si Daddy.. agad akong sumagot ..

"Dad?"

"Margo .. Dinner sa bahay huh 7pm."

"Okay Dad."

Binaba ko na ang phone ... Tiningnan ko ang time .. mag 12pm na..Bumangon ako at agad kinuha ang marker at ang whitepaper..

"Psst gorgeous .. Im back..Miss mo ako? #Bigsmile #winkwink." at dinikit ko ito sa wall ..

Hindi nag reply si Reyka ... Pumasok muna ako ng bathroom para makapag hilamos and toothbrush. Lumabas na ako at tiningnan kong may fs galing sa kanya pero wala .at nakita ko si Reyka lumabas sa gate nila at nagmamadaling pumunta sa bahay ko ..

Nakatayo lang ako sa may glasswall at hinintay ko siyang pumasok sa room ko ..At nang bumukas ang door ng room ko agad ko siyang nginitian ... Niyakap nya ako ng mahigpit at ganun din ako sa kanya.

~~~~

Tok! Tok! Tok!

Nagising ako sa sunod sunod na katok.

"Margo mag ayos kana ... Darating na sila si Daddy mo..."

"Yes mom." sagot ko habang antok pa kaya bumangon nalang ako at agad ng nag shower. Nagbihis at nag ayos na ako pagkatapos.

Narining ko na ang sasakyan ng Daddy ko . Bumaba na ako para salubungin siya at ang aking halfsissy.

Bumaba na ako ng hagdanan ng ekasaktong pumasok na rin silang dalawa ... Hmm lalong gumanda ang kapatid ko ,3years na ng huli kaming magkita. Agad siyang ngumiti sa akin ....

"Hi Dad." nag beso ako kay Daddy.

At sunud na binati ko ang kapatid ko.

"Hi Hope." sabay yakap at beso ko sa kanya ... "Nice to see you again."

"Hi Margo." at ngumiti siya sabay yakap .. "So happy to see you again."

Binati niya si Mommy sabay yakap at pumasok na kami sa dining area pagkatapos ng batian para makapag dinner.

Nang natapos na kaming mag dinner ,kumuha ako ng wine sa bar at lumabas ako ng bahay. Iniwan ko silang tatlo sa may dining area.

"Lalim ng iniisip natin ah."
si Hope .. sinundan niya ako sa labas.

"Wala,nagpapahangin lang."

"So kumusta ang buhay showbiz?" agad niyang tanong sa akin.

"Nakakapagod pero masaya naman."

"Ginusto mo yan."

Nagkwentuhan lang kami ni Hope .. feeling close lang siya.. Hinayaan ko nalang .. Masarap pala sa feelings na may kapatid ka.

At napansin ko ang oras .. malapit na ang labas ni Reyka sa work niya.

~~~~~

Dumating na ako sa hotel ... Hindi pa lumalabas sina Rey..at biglang napansin ko ang sasakyan ng daddy ko na huminto sa harap ng hotel. Bumaba ang half sissy ko ..

What? Dito siya naka stay???

Tiningnan ko lang siya habang papasok siya sa hotel.

Magkakilala kaya sila ni Reyka?

At nakita kong lumabas na sina Reyka kasama ang mga kasamahan niya, agad siyang nagpaalam at pumasok na sa sasakyan ko.

"Hi babe." agad kong bati sa kanya.

"Hi mahal ko .. miss kita .. " sabay kiss nya sa labi ko .

"Kumain kana ?" tanong ko sa kanya

"Yup."

"Okay.. Good .. lets go."

Pina andar ko na ang sasakyan at agad na kaming umalis.

"Fansign Book 2"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon