CHAPTER 24 THE COUNCIL (PART II)

2.8K 142 33
                                    


CHAPTER 24 THE COUNCIL (PART II)



=============

ALEXA'S POV

============



"Alfred," pabulong ko na saad.

He's looking at me blankly without any emotions in his eyes. He's cold stares is killing me! Nasasaktan ako, ang titigan niya lang nang parang walang kwentang bagay. Ako na ang nag umiwas ng tingin at yumuko. Nanginginig ang mga kamay ko, parang babagsak na ang mga luha ko ano mang oras.

Gusto kong tumayo, tumakbo at yumakap sa kanya ng mahigpit, pero ibang iba na siya. Anong nangyari sa kanya? Anong nangyari sayo hubby ko?

May pumatong na mga palad sa balikat ko at ng tingnan ko ito ay si Chares pala. I smiled at him bitterly.

"Lalabas muna kami kailangan mag usap ng mga Kings and Queens sa magiging desisyon nila," paalam niya na parang sinasabi na sumama ako sa kanya.

"Ina, lalabas rin po muna ako," kita ko sa mga mata ng aking magulang ang pag aalala. 'Napansin kaya nila?'

"Sige, anak ayos ka lang ba?" mahinang tanong ni Ama.

"Opo." tumayo na ako at ngumiti sa kanila.

"You can hold on me Alex," saad ni Charles. "nanginginig ka kasi maglakad."

"Thank you Charles." I hooked my arms on his at inalalayan na makapag lakad ng maayos.

Dinala ako ni Charles sa isang garden na hindi ko nga alam na ang e-exist pala. Nakangiting inalalayan ako ni Charles na maka upo sa isang golden bench at naupo rin sya sa katabi ko.

Napaka ganda na tanawin, puno ng samu't saring mga bulaklak. Sa gitna ay may gazebo, na kulay purple na napapalibutan ng mga kulay green na mga rosas. Ang buong paligid ay may iba't ibang kulay ng bulaklak tulad ng mga rosas, tulips, daisies, at yung iba hindi ko na kilala dahil mga magical flowers na sila.

"Hindi sya si Alfred," nagulat ako sa sinabi niya.

Tiningnan ko sya ng puno ng pag tataka. Isang mapait na ngiti ang ibinigay nya sa akin bago ulit nag salita.

"Noong una nabuhayan kami ng loob, na buhay si Alfred. It was one week ago ng nakilala namin si Zyrone, dahil sa pinasama sya saamin ng iyong ama para sa paglalakbay patungong realm of frost."

"Anong ibig mong sabihin?"

"I saw you, the way you looked at him at the council hall. Nasasaktan ka kung bakit ganun siya diba?" tango lamang ang na isagot ko, dahil totoong nasasaktan ako.

"But they look almost the same, except sa kulay ng mga mata niya," sagot ko, dahil ang dating kulay brown na mata niya ay kulay dark gray na ngayon.

"Ang paliwanag sa akin nilang lahat ay nagkataon lang na magkahawig sila. Lahat daw kasi ng immortal ay may kahawig na mortal. Hindi malabo na mahalin mo si Zyrone dahil sa pag aakala mong si Alfred sya, hindi sila iisa Alex," tama ang sinabi nya, hindi malabong mahalin ko ang Zyrone na yun sa pag aakala na sya si Alfred.

"Salamat Charles, noong una talaga ay akala ko sya si Alfred."

"Kaibigan na din namin sya as Zyrone at hindi bilang Alfred. Wala na si Alfred, but he will remain in our hearts."

The Four Kingdoms: THE LOST QUEEN OF ALL QUEENSWhere stories live. Discover now