CHAPTER 3 STILL BESTFRIEND

9.4K 258 3
                                    

Picture: Lee Ji Eun (IU) as Princess Kaomi of Water Kingdom

CHAPTER 3 STILL BEST FRIENDS

============

ALEXA'S POV

===========

May nakita akong sign sa isang glass door ng isang coffee shop habang pa pauwi na ako.

'WANTED WAITRESS APPLY INSIDE'

Sana nga ito na ang kasagutan sa problema ko. Sa hindi malamang dahilan pina aalis na ako ni tita Joyce.

May naipon naman ako mula sa pag tra- trabaho ko ng dalawang buwan noong nakaraang bakasyon na alam ko na sapat na para makapag rent ako ng isang maliit na kwarto. Pero wala akong pagkukunan ng buwanang bayarin.

May mga ngiti sa labi ko ng makalabas ako ng coffee shop,natanggap kasi ako bilang part timer. Four hours lang naman ang work ko at ako pa ang pumili ng oras ko. Seven pm to eleven pm ang pasok ko. Kasi eight to three pasok ko sa school and yung three to six naman ay gagamitin ko sa pag gawa ng projects, assignment at iba pang school related. Mahirap ng bumagsak at para pag uwi ko galing trabaho matutulog na lang agad. Bukod sa akin maraming kabataan ang nagpa part time dito na katulad kong nag aaral din.

SA BAHAY...

"Oh, may nahanap kana bang ma lilipatan mo ha?" tanong ni tita Joyce habang kumakain sila ni Lorraine nang agahan.

"Wala pa po mag hahanap po ako ulit mamaya," naka yuko kong sagot. Dahil alam ko na ang susunod masi sigawan ako.

"Hoy babae!" sigaw niya sa'kin. "meron man o wala kang mahanap na mati-tirahan aalis at aalis ka parin dito!" sabi na eh. Ma swerte na talaga ako kung hindi ako ma sigawan sa loob ng isang taon. Siguro dahil sa alam nilang ampon lang ako ni tatay kaya mainit ang dugo nila sakin.

Where can I find my place? Yung may peace of mind and happiness?

SCHOOL...

'One Week' yes one week na akong dakilang alipin ni Alfried. Dakilang taga sunod ng utos nya. Bumili ka nito niyan, gawin mo to tyaka to, kopyahan mo ako nang notes, assignment, gawan mo ako nang project, ultimong taga deliver ng bulaklak etc. sa mga babae niya. Nakaka asar na talaga kung pwede lang umayaw na, aayaw na ako.

FLASHBACK

"Ayaw ko na bukod sa nakaka pagod na lahat ng pina pagawa mo sa'kin, nakaka asar na rin talaga ang ugali mo!" ikaw ba naman pa bilhin ng inumin nya tapos sasabihin ng bago na isip nya. Nakakaloko na ang bwisit na to, naka limang balik na ako at gusto pa atang animin.

"I won't allow you to quit my dear slave," relax na relax nya pang sabi habang nakaupo sa isang bench dito sa school, habang naka taas naman ang paa sa kaharap nitong mesa. Pinakita nya sakin yung pinirmahan ko na kontrata.

"Akin na yan ng mapunit!" ini layo nya naman agad ang papel.

"Sabi dito pag hindi mo tinapos ang pagiging slave ko ay maging girlfriend kita for another three months." He smirked. Bakit ba ang hilig niya mag smirked? Sa totoo lang pag ginagawa niya yun ay kinikiliti ang puso ko. Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa kalandian na naiisip.

Noong una ok lang na maging slave kuno ako niya dahil sa napaka importante ng kwintas na yun sa akin. Bukod pa dun pumayag akong pumirma sa kontrata na yun dahil tiwala akong matatapos ko ang pagiging slave slave na yan. At higit sa lahat akala ko pa naman mabait, caring at sweet parin sya tulad ng dati ng mga bata pa kami pero ngayon isa na siyang monster. Kaya totoo nga nakakamatay ang maling akala. Lesson learned Alexa lesson learned.

The Four Kingdoms: THE LOST QUEEN OF ALL QUEENSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon