CHAPTER 2 WE MEET AGAIN

11.3K 296 9
                                    

Picture: Ji Chang Wook as Alfred Lee

CHAPTER 2 WE MEET AGAIN

============

ALEXA'S POV

============

"Mahal na Reyna mag iingat ka at mag tiwala sa mga bagong mga kaibigan na iyong makikilala," nakangiting saad ng isang napaka gandang babae. Ang mga na mata niyang kulay berde. Mapupulang at manipis na labi. Alon alon at kulay kayumanggi na buhok. Kulay puti na vestida na lampas sakong. Ang korona niyang kumikinang sa mga diamante.

"Sinong mga kaibigan ang tinutukoy mo at bakit ka nakalutang?" sunod sunod kong tanong. Ngumiti lamang ito at hinaplos ang kaliwang pisngi ko. Napaka sarap sa pakiramdam at napaka gaan ng hamlos na iyon. Marahan kong hinawakan ang kamay niyang nakahawak parin sa aking pisngi.

"Anak ko, mahal na mahal kita lagi mong iingatan ang sarili mo," may mga butil ng luha ang tumulo mula kanyang mga mata. Pinunasan ko yun at bakit parang naninikip ang dibdib ko? Bakit nasasaktan ako?

*ALARM*RINGING*

Pag ka off ko ng alarm clock ko ay bumangon na ako. Nagulat ako ng maramdaman kong basa ang aking mga pisngi. Napahawak ako sa dibdib ko at nandun parin ang lungkot at sakit.

'Anak,' tinawag ako ng babae sa panaginip ko na anak. Siya kaya ang nanay ko? Mabilis kong binura sa aking isipan ang ideya na yun. Panaginip lang yun ano ba pinag iisip ko.

"Alex!" nagulat ako sa sigaw na iyon. "Ano na babae, nakapag luto ka na ba!" nag madali akong bumaba papuntang kusina. Mamu mura nanaman ako ng tiyahin kong to pag hindi ako nakapag luto agad.

"Mag luluto na po," I immediately replied.

Kung buhay lang sana si nanay at tatay hindi ko na sana kailangan maranasan ito. Miss na miss ko na sila nang sobra. Namatay na ang mga kinilala kong magulang ng twelve years old ako. Tama ampon lamang ako at alam ko yun. Napaka swerte ko na dahil kahit sa maikling panahon nakasama ko sila.

Mahal na mahal nila ako kahit na kakaiba ako at tanggap nila kung ano man ako. Ano nga aba ako?

Abnormal ako, yun ang alam ko na pwedeng i tawag ko sa sarili ko. Hindi kasi ako normal na tao hindi ko nga sigurado kung tao ba talaga ako.

FLASHBACK

When I was six years old

"Nay! nay!" tawag ko sa nanay ko na nagwawalis ng bakuran. Pinakita ko sa kanya ang ginawa kong bolang apoy sa palad ko. Nagulat siya at dali dali nya akong ipinasok sa loob ng bahay.

"Anak naman hindi ba sinabi ko na sayo na, hindi mo pwedeng gawin yan sa labas ng bahay?" isinarado ko ang palad ko at ngumiti.

"Sorry nanay ko hindi na po mauulit." niyakap nya naman ako.

Eleven years old...

"Anak anong ginawa mo kay Alfred at namumutla na tumakbo pauwi sa kanila?" She asked.

"Nay nakita nya po kasi akong pinaglalaruan ang tubig sa ere," sagot ko sa kanya habang humihikbi. Patuloy ang pag landas ng masaganang luha ko sa aking mga pisngi. Masakit na na takot sa akin si Alfred at nauunawaan ko yun.

"Anak," yun nalang ang nasabi nya.

KINABUKASAN

"Alex halika kana," tawag sakin ni tatay.

The Four Kingdoms: THE LOST QUEEN OF ALL QUEENSWhere stories live. Discover now