CHAPTER 18 WITH YOU

3.3K 125 1
                                    

PICTURE:  Alexa's Transformation Dress



CHAPTER 18 WITH YOU

==============

ALFRED'S POV

=============

Namumutla parin siya at ang katawan niya ay ubod ng lamig. Mula kahapon ay natutulog lang siya at tanghali na ngayon. Malalim akong huminga,hanggang pag aalaga lang at pagbabantay lang ang magagawa ko.

"Hubby," malambing niya na tawag.

Inangat ko ang ulo ko mula sa pag kakayuko sa kama ng higaan niya.

"Kumusta na pakiramdam mo?" ngumiti lang siya ng malapad. "huwag kang ngi-ngiti ngiti ng ganyan. Hindi mo ba alam kung gaano ako nag alala? Sabi ko mag ingat ka pero hindi mo ginawa."

Nakangiti lang siya, "Bakit ba ang gwapo ng hubby ko?" hinaplos niya ang mukha ko, na hinawakan ko yun at hinalikan.

"Alam ko na gwapo ako pero wag mo ibahin ang usapan." She giggled.

"Ang sarap gumising sa umaga na mukha mo agad ang nasisilayan," nambola pa pero kinilig ako hahaha shit! nakakabakla.

"Pakasal ka na sa akin at araw araw mo tong makikita," natawa naman siya. "gutom ka na ba?"

She shook her head, "Kahapon ka pa walang kain." hindi ba siya nagugutom?

"Mamaya na," tipid niyang sagot at yumakap sa braso ko.

"Bukas balik na natin sa manila," pagbabalita ko sa kanya.

"Oo nga pala, tatlong araw na tayong hindi pumapasok."

"There is nothing to worry, tumawag si Daddy kanina at sinabing nai paalam nya na tayo lahat sa mga teachers natin."

"Come to think of it, buti hindi nag tatanong ang daddy mo hubby. Usually kasi ang mga parents ay matanong at mausisa. Lalo na't limang araw na tayo dito," tama siya nakakapagtaka nga, para bang kahit hindi kami mag salita alam na nila agad.

"Pinag tataka ko rin yan, nang mag paalam nga ako na pupunta tayo dito sa mansion ng lola ni Charles ay pumayag agad sila. Akala ko nga nung una hindi ako papayagan, hindi lang yun pinahiram pa tayo ng van."

"Siguro dapat ipag pasalamat na lang natin na hindi sila nag tatanong at naghihigpit." tumayo siya. "kasi wala naman tayong isasagot kung tatanungin tayo."

Inalalayan ko siyang isuot ang tsinelas niya at sabay na kaming bumaba.

TWO DAYS LATER...

Hindi parin kami puma pasok dahil sa ng hihina parin si Alexa. Tama nga sila it will take few days para bumalik siya sa dati na lakas. Sabi ko naman sa kanila pumasok na sila dahil ako na bahala kay Alexa. Hindi na rin daw sila papasok dahil nanghihina rin sila Kaomi. Tss, kahit hindi naman kahapon nag laro pa nga sila ng basketball ni Yuhan. Kaya ito lahat kami nandito sa bahay.

Laging tulog si Alexa at gini gising ko lang pag oras na ng pagkain. Medyo mas maayos na siya ngayon kumpara ng nasa mansion pa kami. Nawala na ang panlalamig ng katawan niya pero maputla parin.

All I can say is... the house is in chaos right now.

Dahil sobrang kulit at likot ng dalawang wolfie. Lipad dito, lipad doon at ginawang playground ang buong bahay.

The Four Kingdoms: THE LOST QUEEN OF ALL QUEENSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon