CHAPTER 13 BOYFRIEND AND GIRLFRIEND

4.2K 137 3
                                    

Picture: Library

CHAPTER 13 BOYFRIEND AND GIRLFRIEND

============

ALEXA'S POV

============

Masama parin ang loob ko hanggang ngayon dahil sa mga nakita ko noong first day ng pasukan. Nadagdagan pa ng makita ko kung paano yakapin ni Lorraine si Alfred habang inaalalayan sya nito na mag lakad.

Tapos nasundan pa yun ng maraming beses na alam kong sinasadya ni Lorraine na ipakita sa akin. Wala naman akong karapatan na mag selos kasi hindi pa naman kaming dalawa at hindi na rin ako sure kung nanliligaw ba talaga siya sakin.

Mahal nya daw ako mahal ko din siya pero bakit hindi naging kami? Kasi paano ko siya sasagutin diba kung hindi nya naman ako tatanungin ng can you be my girlfriend? Paano ko ba siya sasagutin ng kahit hindi sya nag tatanong? Ito ang mahirap pag no 'boyfriend since birth'.

"Alfred mahal kita, mahal na mahal," napahinto ako sa boses na yun ni Lorraine.

Aalis na sana ako dahil hindi ko ugali ang makinig ng usapan ng iba, ngunit tuluyan na akong napa hinto ng marinig ko ang hikbi ni Lorraine. Nasa corridor ako habang nasa itaas naman ng hagdan ang nag uusap.

"Sorry Lorraine, kasi hindi ganun ang nararamdaman ko para sa'yo. Kaibigan kita at dahil parang kapatid ang nararamdaman ko para sayo, dahil mahal ko si Alexa."

"Si Alexa? Let me tell you this Alfred, ampon lang sya ng tito ko! Sa tingin mo ba gugustuhin siya ng magulang mo?" ang kilig na naramdaman ko dahil sa sinabi ni Alfred ay na palitan bigla ng lungkot.

'Paano nga pala kung hindi ak gusto nila tita as his girlfriend?'

Dahil sa naisip kong iyon ay mas lalo akong nalungkot, laglag ang mga balikat na nag patuloy ako sa paglalakad patungo sa Library.

Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa at pag re research, ng biglang may nararamdaman akong kakaiba. Ini libot ko ang paningin ko at hindi ako makapaniwala sa nakita, naka itim na robang babae na nasa pinaka sulok ng library.

Matalim niya akong tinitigan, animo'y may labis na galit sa akin. Napaka pamilyar niya sa akin, 'Lorraine?' naisatinig ko ng mahina. Kasunod nun ay ang paglaho niya ng paunti unti. Ngunit imposible, dahil kakaibang Lorraine ang nakita ko. She's wearing a black robe, her hair is like a flame and her eyes is full of hatred.

Wala akong kasama ngayon dahil lahat sila busy, si Ayumi na naghahanda sa isang play na gaganapin kasama si Hanaya. Si Kaomi at Danaya may gagawin daw kasama yung apat about sa book na 'Secrets of Immortal World'.

Inalis ko sa aking isip ko tungkol kay Lorraine, maaring namalik mata lang ako. Pagkalabas ko ng Library ay papunta na sana ako sa kabilang building ng biglang may malakas na tawag ang pumukaw sa aking atensyon.

"Alexa!" na palingon ako agad sa galit na boses na yun ni tita Joyce.

Biglang nag init sa sakit ang pisngi ko sa malakas na sampal na yun mula kay tita Joyce. Samu't saring emosyon ang naramdaman ko, takot kay tita dahil parang kakainin niya ako ng buhay. Hiya sa mga ilang students na naroroon sa hallway, at kaba dahil parang alam ko na ang kahahantungan nito.

"Tita," nasambit ko.

"Wala kang utang na loob! Pinatira at pinakain kita tapos ganito e ga ganti mo sa amin? Ahas ka! Inagaw mo pati boyfriend ng anak ko. Noon ang kapatid ko inampon ka ka at lumayo sya sakin!"

The Four Kingdoms: THE LOST QUEEN OF ALL QUEENSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon