Dear Heart

955 37 5
                                    

Dear Heart,

Malungkot kong binuksan ang locker ko ngayon. 1 linggo na kasi pero wala pa rin akong natatanggap na letter galing sa iyo. Nasanay na kasi ako na yung letter mo agad ang makikita ko everytime na nagbubukas ako ng locker ko. Tanging yung letter mo lang ang pinapansin ko. Yun lang ang iniipon ko. Natutuwa kasi ako sa letter mo. Kung paano mo ikwento ang mga nangyari sa iyo sa buong araw at kung paano mo ipadama ang pagmamahal mo sa akin.

Gusto kong humingi ng tawad kasi hindi ko manlang maipakita na na-appreciate ko ang mga ginagawa mo. Salamat kasi sinusuportahan mo ako. Maaaring hindi mo napapansin pero palagi kitang tinitignan.

Napapansin kita.

Hindi mo nga lang alam.

Break na nga kami eh. Alam mo kung bakit? Kasi nakita nya yung mga letter mo. Bakit daw tinatago ko ang mga iyon. Ang dami nga nun eh. Lahat iyon nakatago sa kwarto ko. Nagalit siya sa akin dahil ipinagpapalit ko na daw siya.

Pumayag ako na makipaghiwalay sa kanya. Kasi alam ko sa puso ko na hindi na siya ang laman nun.

Ikaw na.

Minahal kita hindi dahil sa mga letters mo kundi dahil nakikita ko kung gaano mo ako kamahal.

Nahulog ako sa mga ngiti mo. Sa tawa mo. Sa kakulitan mo. Lahat ng katangian mo ay minahal ko.

Sana hindi pa ako huli.

Love,

Crush

Dear Crush (Completed)Where stories live. Discover now