Letter #13

729 25 1
                                    

Dear Crush,

Bukas na ang Valentine's Day. Dapat nga masaya ako. Pero nasasaktan nanaman ako. Alam mo kung bakit? Narinig ko kasi kayo ng kaibigan mo na naguusap. Tinanong ka niya.

"Ang dami talagang nagkakagusto sa iyo. Ang dami mong love letters. Wala na ngang space ang locker mo. Anong plano mo sa mga iyan?" tanong niya sa iyo.

"Wala. Hindi ko naman kailangan pansinin yan. Isa lang naman ang nakakuha ng atensyon ko. Balewala sa akin ang iba dyan" sagot mo.

Alam ko naman na nasa 'kanya' lang ang atensyon mo. Pero sana bigyan mo din 'Kami' na humahanga sa iyo ng atensyon. Ma appreciate mo manlang sana ang mga ginagawa namin para sa iyo.

Madami kasing humahanga sa iyo. Hindi lang ako. Siguro nga wala talagang chance na mapansin mo ako. Dapat siguro tumigil na ako.

Love,

Heart

Dear Crush (Completed)Where stories live. Discover now