Letter #1

1.4K 37 0
                                    

Dear Crush,

Nakita kita kanina. Nakangiti ka habang kausap mo 'siya'. Masakit man, tatanggapin ko pa rin. Basta makita lang kitang masaya. Minsan tinatanong ko na rin ang sarili ko. Bakit ba umaasa pa rin ako sayo? Eh alam ko naman na kahit kailan, hinding hindi magiging tayo. Sino ba naman ako para mapalitan ang 3 years 'niyo'? Eh 1 taon pa lang kita kilala. Oo, ako lang ang nakakakilala sa iyo. Hindi mo naman ako kilala eh. Hindi mo na nga ako kilala, hindi mo pa din ako napapansin.

Ni hindi mo nga mabasa itong letter ko sayo. Pero hindi ako susuko. Kahit mapuno ko na yang locker mo, hindi pa rin ako titigil sa pagbibigay ng letter sa iyo.

                                                                        Love,

Heart

Dear Crush (Completed)Where stories live. Discover now