Letter #14

833 36 0
                                    

Dear Crush,

Happy Valentine's Day. Alam kong masaya ka ngayon kasama 'siya'. Habang ako nasa tabi lang at tinitignan kayo. Kinikilig nga ako sa inyo eh. Yung tinginan nyo habang nagsasayaw? Hay, nakakakilig. Grabe, fan nyo na ako. Lakas talaga ng chemistry nyo. Sana maging kayo na Forever. Tutal 3 years na kayo diba? Hala sige, patunayan nyo na may Forever. Magsama na kayo habang buhay.

Wala na akong pake. O, ang bitter ko na ba?

Ang mahalaga lang naman sa akin ay yung masaya ka. At sa nakikita ko ngayon, masaya ka na. Okay na ako dun. Masaya na rin ako.

Sumusuko na ako.

Hindi ako sumusuko dahil pagod na ako. Hindi ako sumusuko kasi mahina ako.

Sumusuko ako kasi naniniwala ako na matapang ako. Na kaya kong harapin ang realidad at tanggapin ang katotohanang kahit kailan ay hindi mo ako mamahalin.

Ang pansinin mo nga ako ay hindi mo magawa. Mahalin pa kaya?

Last letter ko na ito, mahal ko. Mababawasan na ang mga letters mo sa locker. Hindi mo na kailangan itapon ang mga letters na ipinapadala ko araw araw dahil LAST na nga ito. Hindi na ulit ako magbibigay sa iyo. Sana maging masaya kayo. Stay Strong ang Stay Happy.

Masaya ako para sa inyo.

I love you. Kahit na hindi mo ako mahal.

Love,

Heart

Dear Crush (Completed)Where stories live. Discover now