Ten

243 10 0
                                    

Magiisang linggo na ang nakaka-lipas ngunit para pa rin akong tanggang bumabalik sa mga sinabi ni Carla

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Magiisang linggo na ang nakaka-lipas ngunit para pa rin akong tanggang bumabalik sa mga sinabi ni Carla. Natatakot ako. Hindi lang takot, nangangamba ako na baka dumating ang panahong si Christian ay mawala at nakita kong masaya sa iba.

Nagulat ako ng biglang ipatong ni Trinidad ang kanyang kamay sa aking mesa. Ngumiti siya sa akin at iniabot sa akin ang isang puting card.

"Ano 'to?" Nagkibit balikat siya.

"Buksan mo, basahin nating dalawa." Kumunot ang aking noo at hinili kaagad ang card.

"No!" Umiling-iling ako kaya naman napa-ngisi siya.

"So, totoo nga?"

"Na ano? Na may boyfriend ka na." Laki ang mata ko at idinantay ang aking siko sa table.

"Anong ibig mong sabihin?" Bulong ko.

"May lalaking nag-abot sa akin niyan sa labas. Ang sabi niya paki-bigay daw sa'yo. Nang tanuning ko kung sino ang nagpapabigay," napangisin ulit siya. "Boyfriend mo daw." Lumawak ang ngiti sa kanyang labi at tinitigan ang card na nasa aking kamay.

"I never knew you like boys." Napa-pikit ako at umiling.

"No. Not boys. Just him." Nag-kibit balikat siya at lumapit pa sa akin.

"Dali, open the card and let me read it. Promise secret lang." Umiling ako at itinago sa ilalim ng aking table ang card.

"No."

"Oh, come on. Nag-abala akong ibigay sayo yan."

"Kahit na. Trinidad, please 'wag ang personal na buhay ko." Natawa siya kaya't napalingon ang mga ka-opisina namin.

"Oh, personal life. Fine! Pero next time, kapag may pina-abot ulit siya sa akin babasahin ko muna. Tapos ipapaskil ko sa bulletin natin. Doon mo nalang kunin ha?" Oh come on!

I really hate him!

Naka-ngiti siyang umalis sa aking mesa at balik sa kanyang table. Umiling naman ako at tinignan ang aking cellphone kung nag-text siya.

-Lunch?-tin.

-Bakit wala ka sa school?- I replied.

-I have my results. Sabay nating buksan. Wala kaming pasok for the rest of the week.-

Oh God! Ang results. Ang results na hindi ko gugustuhing makita. Dahil kapag bumagsak siya, patay ako kay Tita. Kapag naman sampu lang ang mali niya sa bawat exam, Oh God!

Hindi na ako nagreply sa kanya at binuksan ang letter na binigay niya. Plain white ang labas nito na mayroong letter 'C' sa ibabang parte.

Binuksan ko ang Card at napa-ngiti ako sa ganda ng kanyang sulat kamay.

Dream Of The DeerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon