Three

406 11 0
                                    

 Nakarinig ako ng katok mula sa pintuan ng aking kwarto kaya't mabilis akong napatayo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

 Nakarinig ako ng katok mula sa pintuan ng aking kwarto kaya't mabilis akong napatayo. Nang lingunin ko ang orasan ay napagtanto kong tatlong oras na pala akong nakapikit at hindi namalayang nakatulog na ako sa tabi ni Christian.

 Christian! He's still sleeping.

"Cali, are you there?" That's Papa.

 Nataranta ako bigla kaya't binato ko ng unan si Christian. Mabuti na lang at mabilis siyang napa-upo.

"Christian, si Papa nasa pinto. Stand up." Tumayo siya at inayos ang gusot niyang damit.

"One moment, Pa." Humarap ako sa salamin at inayos ang aking buhok. Pa is very strict when it comes to visitors. Magagalit siya kapag nalaman niyang ang bisita ay pinapasok ko sa kwarto. Ang mga bisita ay dapat na nasa unang palapag lang ng bahay.

 Nang buksan ko ang pintuan, naka-kunot ang noo ni Papa. Hawak niya ang paper bag ng Oxygen.

"Here." Pag-abot niya sa akin. Aalis na sana siya ng mapansing may lalaki sa aking likuran.

"Who's with you?" Napalunok ako at hinatak si Christian paharap kay Pa.

"My highschool classmate. I'm with him since last night. Nag-Highschool reunion kami." Tumango si Pa ngunit may mga tingin siyang tila may laman.

"Hindi ba siya hinahanap sa kanila? Kagabi pa siya wala?"
"Ahh—Sir, nagtext naman po ako kay Mom na—"

"Don't call me Sir." Napahawak ako sa dulo ng damit ni Christian nang barahin siya ni Papa.

"Ahh—tito."

"You're not my nephew." Nag-lakad palayo si Pa ngunit tinitigan niya ako nang seryoso. Para bang sinasabi niya sa akin na 'mag-usap tayo mamaya.'

 Oh God!

Mabilis kong sinara ang pintuan at inilapag ang paperbag sa couch katabi ng aking bag.

"Nakakatakot ang Papa mo." Bumitaw ako sa pagkaka-kapit sa kanyang damit at napahawak sa aking batok. Pinagpawisan ako sa mga tingin ni Papa. I hate it when he's like that. Parang gustong patayin ang bisita ko.

"I know right. Hindi ko pala nasabi sayo, call him Mr. Ysaac."

"Sa apelyido?" Tumango ako at naupo sa higaan.

"I'm sorry." Bulong ko sa kanya. Tumayo naman siya sa aking harap at yumuko para halikan ang aking noo.

"Don't be. It's okay." May pilit na ngiti naman na lumabas sa aking labi at mabilis na tumayo. Naalala kong dapat ay nasa baba ang bisita.

"Come. Bumaba na tayo. And remember, call him Mr. Ysaac." Binuksan ko na ang pintuan at hinawakan siya sa kamay. Nang makarating na kami sa hagdan ay binitiwan ko na siya at sinilip si Papa kung nasa ibaba.

Dream Of The DeerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon