Four

375 12 0
                                    

Alas-singko pa lang nang umaga ay sinundo ko na si Christian sa harap ng aming Village

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Alas-singko pa lang nang umaga ay sinundo ko na si Christian sa harap ng aming Village. Dad, instructed him to go with us. He's catholic kaya wala naman kaso ang religion ang kaso, alas-singko ng umaga? Ang sabi kasi ni Christian gabi sila nagsisimba.

"I'm sorry." Ito ang agad kong sinabi nang lumapit sa akin si Christian.

"It's okay. Mas maganda ng alam nila. Hindi na tayo mahihirapan in the future." Future. Baka mamaya pagpasok mo sa bahay barilin ka nalang ni Dad. Makikita mo ang future mo sa langit.

"Hindi ba magagalit Mom mo?" Umiling siya at humalik sa noo ko. Lumingon naman ako sa guard post kung nakita kami nito.

"Ano ka ba? Hindi ba nagusap na tayo kapag nasa labas, behave." Napangiti lang siya.

"Sige, sa harapan lang ng Papa mo."

"Oo para pahalikan niya sa'yo ang kabaong mo." Sumimangot siya dahil sa sinabi ko kaya naman hinatak ko na siya para maglakad.

"Alam na din ni Mommy." Panimula niya habang gumagapang ang kamay patungo sa aking bewang. Ginaya ko naman siya at nilagay din ang aking kamay sa kanyang bewang. Para kaming naglalakad sa madilim na lugar habang magkayakap. Mabuti na lang at hindi pa lumalabas ang araw. May kadiliman pa ang paligid kahit na may mga Lamp Post.

"Nanahimik lang siya at walang sinagot."

"She must be in shock." He just shrugged at patuloy pa rin sa paglalakad.

"We're the one who's responsible for this relationship. Wala naman silang magagawa di'ba? Unless you let them." I can't agree on him with that. Maybe I'm just afraid or maybe i'm not used to this setup.

"Sigurado ka naman dito di'ba?" Pagtatanong ko.

"Hindi ka sigurado no?" Napatango ako sa kanyang sinabi. There's still a part of me that's not sure about this.

"It's okay. I still like you."

"You know that I like you right?" Humarap siya sa akin at napahinto sa aking sinabi.

"Oo naman. Naniniwala naman ako dun." He assures. Nagpatuloy naman ako sa paglalakad habang pahigpit ng pahigpit ang hawak ko sa kanyang bewang.

"I'm afraid that this might not work out. Si Papa kasi."
"Nakakatakot naman kasi talaga siya." Pagsangayon niya. Mabuti pa ang parents niya hindi nagiging halimaw. Hindi nga ba?

"Hindi ba talaga nagalit Mommy mo?"

"Hindi naman," lumapit siya sa aking tenga at bumulong, "Basta daw mabibigyan siya kaagad ng apo." Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa sinabi niya? Pero kung galing sa Mommy niya I should laugh.

"You know that's a big question right?"

"Hindi naman niya talaga sinabi yun. Nanahimik lang siya. As in walang sinabi. Siguro dina-digest niya pa lahat ng mga sinabi ko. Si Daddy ang lumapit sa akin at halos maluha-luha." Napatingin ako sa kanya.

Dream Of The DeerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon