Six

332 11 2
                                    

 Muli kong tinitigan ang aking relo—6:39AM

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

 Muli kong tinitigan ang aking relo—6:39AM. Inaabangan ko pa rin ang pag-labas ni Christian sa kanilang bahay. Mag-tatatlong minuto na yata akong naka-tayo sa labas ng kanilang gate pero wala pa ring Christian na lumalabas.

"Hijo," napalingon ako sa pintuan nang tawagin ako ng isang pamilyar na boses.

"Tita," sagot ko.

"Hinihintay mo ba si Tin-Tin?" Tumango ako. "Bakit hindi ka muna pumasok? Nagbi-bihis pa kasi. Kanina pa nga yun sa banyo. Ang tagal kumilos. Hindi ko ba malaman sa batang yan, bakit ang tagal kumilos. Pati pagbibihis maraming arte." Natawa naman ako sa kanyang sinabi.

"Okay na po ako dito. Malapit na rin naman po siguro yun. Tyaka hindi niya alam na nandito ako." Napanganga si Tita ngunit isinara niya rin kaagad ang kanyang bibig.

"Wala ka bang pasok sa opisina? Nai-kwento sa akin ni Christian na nagtatrabaho ka daw sa Publishing Company?" Tumango ulit ako at ngumiti. "Ang galing naman! Nabalitaan ko sa kumare ko na mahirap daw sa mga publishing company."

"Wala po sa ngayon. Depende naman po sa kumpanya at sa ginagawa." Sumang-ayon naman siya sa aking sinabi.

"Naalala ko, kamusta na pala ang Papa mo? Hindi ba nagalit sayo noong inumaga ka na ng uwi?" Isang buwan na ang lumipas. Naaalala niya pa rin? O baka ngayon lang nabanggit sa kanya ni Christian.

"Medyo po. Kinuha lang ang Cellphone ko at katakot-takot na pagbubunganga." Natawa naman si Mrs. Hernan. Yung tawa na manipis.

"Kung alam ko lang na pinapauwi ka pala kaagad e'di sana ginising ko kayo. Hindi ko kasi alam. Kailan ko nga lang nalaman. Ito kasing si Tin-Tin late na magkwento." Bakit lahat ba kinukwento niya?

"Ayos lang po. Okay na rin naman po si Papa. Medyo masungit minsan pero hinahayaan naman kami ni Christian." Biglaang lumabas si Christian sa gate at nagulat nang malaman na ako ang kausap ng kanyang Mommy. Ang ngiti niya ay lumawak at para bang tuwang-tuwa.

"Good Morning." Bati niya sa akin.

"Sige po Tita. Ihahatid ko na si Christian." Tumango si Mrs. Hernan, "Sabihin mo sa Papa mo kung pwede kaming makapag-usap minsan." Napalingon si Christian sa Mommy niya at parang nagulat.

"Makakarating po." Sagot ko naman.

"Sige na. Magiingat kayo." Pinalo niya ang braso ng kanyang anak, "Late ka na!" Natawa lang ito at hinatak na ako paalis.

"Hindi mo sinabi sa akin na nandito ka pala." Humigpit ang hawak ko sa kanyang kamay.

"Hindi na. Wala ding mangyayari. Matagal ka pa rin naman maligo." Tinitigan niya ako ng masama at binitiwan ang aking kamay. Doon niya napansin ang paperbag na hawak ko sa kabilang kamay.

Dream Of The DeerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon