Chapter 28

784 21 0
                                    

PATRICK'S P.O.V.

"Uh hi tito. Long time no see" sabi ko

"Patrick napadaan ka. Anong meron?" Tanong ni tita

Paano ko ba sasabihin 'to?

"Dad, mom. Pwede papasukin muna natin siya?" Sabi ni Kyla

"Ah oo nga. Haha. Come in, come in" sabi ni Tita

Kaya pumasok kami sa bahay nila Kyla.

"Upo ka iho. Ano bang sadya mo?" Tanong ulit ni Tita

Nakakakaba ang sabihin yun sa magulang nila.

"Ah mommy. Samahan mo ko, maghanda tayo ng meryenda" sabi ni Kyla

"Ah. Sige" sagot ni Tita

Saka siya tumayo at pumunta na sila sa kusina.

"So, anong meron at naparito ka ngayon Patrick?" Tanong ni Tito

Ang seryoso niya ngayon kaya mas lalong nahihirapan akong sabihin.

"Kasi tito, gusto ko po sanang sabihin na." Sabi ko

Hindi ko talaga masabi. Kinakabahan ako.

"Na?" Tanong ni Tito

Huminga akong malalim.

"Tito, niyaya ko pong magpakasal si Mika. At tatanungin ko ho sana kayo kung pwede" sagot ko

Finally nasabi ko na din.

Ang kaso tahimik si Tito at ang seryoso.

"Patrick iho, alam kong mahal ka na niya mula pagkabata niyo. Ganun pa man, alam ko ding may mahal kang iba. Ngayon, anong naisip mo at niyaya mo si Kyla na magpakasal?" Tanong ni Tito

Yeah. Sino nga bang di nakakaalam na mahal ko si Lex?

"Tito, sasabihin ko na ho ang totoo. Sa ngayon, hindi ko pa mahal si Mika. Pero tito, gagawin ko lahat para matutunan siyang mahalin at subukang hindi masaktan. Sa ngayon kasi tito, si Mika na lang ang pag-asa ko" sagot ko

"Iho, ama ako. At wala akong ibang hangad kundi mapabuti ang anak ko. Nag-iisa lang si Kyla iho. At ayokong nakikita na nasasaktan siya. Mas lalong ayoko namang gamitin mo siya para makalimutan si Alexandra. Hindi panakip butas ang anak ko. Iniingatan ko siya, at tinuturing na prinsesa. Sino ba naman ang taong hahayaang masaktan ang taong matagal na inalagaan, minahal, at pinahalagahan? Sana maintindihan mo iho" sabi ni Tito

Napayuko ako.

"You want me to be happy, right Dad?" Tanong ni Kyla

Nandito na pala sila ni Tita.

Nilapag ni Tita sa mesa ang pagkain.

"Of course princess. Yun lang ang gusto ko" sagot ni Tito

"Then be happy for me dad. Pumayag ako kasi masaya ako. Finally dad, nagkaroon na ng pagkakataon na mapansin ako ng taong mahal ko. Aren't you happy for me dad?" Tanong ni Kyla

"But I just want what is the best for you Kyla. Bilang ama, ayokong nakikitang nasasaktan ka." Sagot ni Tito

"I took the risk dad. Because I love him and I am happy" sabi ni Kyla

"Are you really happy baby?" Tanong ni Tita

"Believe me or not, yes mommy. I am happy" sagot ni Kyla

Second Chance (Completed)Where stories live. Discover now