Chapter 36

706 22 0
                                    

AUBREY'S P.O.V.

"May problema ka ba?" Nag-aalalang tanong ko kay Kyla

Kaso hindi siya sumagot. Or, she's just spacing out.

"Kyla" tawag ko sa kanya

Snob.

"Kyla." Ulit ko

Snob.

"Kyla Mikaela" tawag ko

Still no response.

"Kyla Mikaela Perez" tawag ko sa kanya

"Huh? Bakit?" Tanong niya

Finally! Narinig na niya ko. Pssh.

"I'm asking if you're okay. Like duh?" Sagot ko sa kanya

Nakakasar kaya. :3 Parang invisible ako dito. Pssh..

"Ah. Uhm, oo naman! Kelan bang hindi?" Sagot niya

Tapos pinilit niyang ngumiti at pasiglahin ang boses niya.

Pero kung titignan mo siya, hindi naman talaga.

"Ngayon ngayon lang. Hay nako! Sakin ka pa ba magsisinungaling Ky?" Tanong ko sa kanya

She sighed. Tapos, tinakpan niya yung mukha niya.

Tumahimik siya at hindi nagsalita. Tapos narinig ko na lang yung mga hikbi niya.

"Kyla tell me. Ano bang problema? Maybe I cannot help, but I promise I will be quiet and listen" sabi ko

Tinanggal niya ang pagkakatakip ng mga kamay niya sa mukha niya saka siya nagpunas ng luha at ngumiti.

"Yun bang ibang emosyon ang nararamdaman mo, pero hindi mo maipakita at tinatakpan mo ito ng ibang emosyon" sagot niya

Medyo nagtaka ako dun sa sinabi niya. Kasi sa totoo lang, hindi ko na-gets.

"Go to your seats now" sabi ng teacher namin na kadadating lang

Tapos, nag-discuss si Teacher.

"Ma'am sorry we're late!" Sigaw ni Alex

Na kapapasok lang.

Pero nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

Alex is with Patrick.

"The both of you, why are you late?!" Sigaw ni Ma'am

"Ma'am sorry. We're researching at the library, at nakatulog kami" sagot ni Patrick

So kanina pa sila magkasama? And wait. Kelan pa sila nagkaayos?

"Fine. Next time na malalate kayo, better step out of this class" sabi ni Ma'am

"Thank you ma'am" sagot nung dalawa

Napatingin ako kay Kyla. Nagsusulat lang siya sa notebook niya.

Pero nagulat ako nung biglang tumulo yung luha niya. Nandito kasi kami sa likod nakaupo, kaya di mapapansin agad.

"Kyla. It's okay. Stop now" sabi ko sakanya

She just smiled. Tapos, hindi ko alam kung sinadya niya o ano, pero inuntog niya yung ulo niya sa lamesa niya.

Nagulat ako at agad na nnapatayo papunta sa kanya.

"Is there any problem Ms. Perez? Ms. Mendoza?" Tanong mo Ma'am

"Uh. Nahilo lang po ako ma'am" sagot ni Kyla

Second Chance (Completed)Where stories live. Discover now