Chapter 37

695 19 0
                                    

KYLA'S P.O.V.

Saturday ngayon. At nandito ako sa bahay nagkukulong.

Ewan ko. Di ko feel gumala ngayon. Gusto ko lang magpahinga.

Pakiramdam ko kasi, pagod na pagod ako. Sobrang pagod. Pero kinakaya ko.

Nakahiga ako sa kama ko nung biglang may kumpatok sa pinto..

"Pasok" sabi ko

Tapos bumukas ang pinto at pumasok si Aubrey.

Oo napapadalas na din ang pag-uusap namin ni Aubrey.

Wala eh. Nasanay na ko. Ilang araw na din.

Ilang araw na kong OP sa dalawa pag magkakasama kami.

Kaya kung hindi si Aubrey ang kasama ko, si Joshua.

"Hi!" Bati niya sakin

"Bakit?" Tanong ko

Sigurado naman akong may dahilan yan kaya nandito eh.

"Yan agad ang bati sakin? Wala man lang 'hi' o di kaya 'hello'? Grabe. Bait mo ha" reklamo niya

Natawa na lang ako sa inaasta niya. Parang bata.

"Atleast tumawa ka na" sabi niya

Kaya nawala yung ngiti at tawa ko.

"Ano ba kasing ginagawa no dito?" Tanong ko sa kanya

"Ehh. Papasama sana ako sayo" sagot niya

"Saan?" Tanong ko

"Sa mall" sagot niya

"Ano na naman gagawin mo dun?" Tanong ko

"Bibili. Ano ba Kyla!" Sagot niya

Saka siya humiga sa tabi ko.

"Ayoko. Natamad ako" sagot ko

"Sige na Kyla. Please" sabi ni Aubrey

"No" sagot ko

"Please" -Aubrey

"No" -Ako

"Please" -Aubrey

"No" -Ako

"Please please" -Aubrey

"I said no" sagot ko

"Sige na naman Kyla oh" sabi ni Aubrey

"Bakit kasi ako pa?" Tanong ko

"Wow. Parang double meaning yan ah" sagot niya

"Tss. Oo na lang. Sandali maliligo lang ako" sagot ko

Saka ako tumayo at kinuha ang towel ko.

Pero bago ako, pumasok sa banyo nagsalita pa si Aubrey.

"Kahit anong iwas ang gawin mo Ky, hindi mo yun maiiwasan. Face it. Don't runaway" sabi ni Aubrey

Saktong pumatak ang luha ko. Buti na lang nakatalikod ako.

Pagkatapos nun, pumasok na ko sa banyo at naligo.

*

Lakad lang kami ng lakad. Wala naman siyang binibili. Tss.

Feeling ko, trip lang niya gumala eh. -_-

"Ky, pagod ka na ba?" Tanong ni Kyla

Saka kami tumigil sa paglalakad.

Ikaw ba naman lakad ng lakad noh. Walang tigil. Halos maikot na yata namin 'tong buong mall.

Second Chance (Completed)Where stories live. Discover now