Prologue

6.9K 101 5
                                    

We couldn't deny the fact that each and everyone of us wants and aims for genuine happiness. And admit it or not, none of us wants to experience such traumatic and tragic pain.

But, let's face it. Let's face the reality of life. Everybody goes through the word "pain."

Who the hell doesn't experiece it? I bet none. We may not experience the same level of pain, but, we all undergo and feel pain.

Lahat ng tao nasasaktan dahil lahat ng tao may nararamdaman.

Mayroon yung nasasaktan ka dahil yung mahal mo may mahal nang iba.

Mayroon naman yung nasasaktan ka dahil nakikita mo na yung taong mahal mong napapangiti na ng iba.

Mayroon din yung nasasaktan ka dahil hindi mo na mabalikan ang dati mong iniwan.

Isama mo na rin yung nasasaktan ka dahil pinagtatabuyan ka nung taong mahal mo. O 'di kaya ay nasasaktan ka dahil hindi ka niya kayang mahalin pabalik.

Minsan, umaabot pa sa puntong nasasaktan ka kasi gusto mo pa siyang ipaglaban pero pagsuko na lang ang natatanging paraan.

Nasaktan kang palihim dahil nagmahal ka nang palihim.

Nasaktan ka dahil iniwan mo siya.

Nasaktan ka dahil umasa kang may babalikan ka pa pagkatapos nang lahat.

Nasaktan ka dahil nalaman mong kaibigan mo yung bago niya.

Nasaktan ka dahil gusto mo siyang bawiin pero hindi mo magawa.

Nasaktan ka dahil nagseselos ka nga, pero alam mo na wala kang karapatan sa kanya.

Nasaktan ka dahil alam mong hindi na pwedeng ibalik ang nakaraan na meron kayo.

Nasaktan ka dahil hindi mo na maayos ang gulong dinulot mo. Hindi mo alam kung paano itatama o aayusin.

Nasaktan ka dahil nung pinaglaban mo ang taong mahal mo, pinaglaban din niya yung taong mahal niya.

Masakit hindi ba?

Bukod sa nakakasakit na, nakakatanga pa.

Nandun na 'yon eh. Hindi mo na kayang alisin o burahin man lang kahit pansamantala. Permanente nang nakaukit yung sakit at ni hindi mo alam kung paano mo maaalis.

Kasi alam mo sa sarili mong hindi mo na pwedeng ibalik ang mga bagay na natapos na.

Lost time can never be found again.

Minsan kasi ang buhay masaya pero kadalasan nakakagago, nakakapanghina, nakakawalang-gana.

Hindi lahat maswerte sa buhay. Yung tipong saya lang ang nararanasan.

Hindi lahat biniyayaan ng masaya at buong pamilya.

Hindi lahat binigyan ng kagandahan, katalinuhan at pusong mapagmahal.

Kasi sa reyalidad, sa buhay ay madami kang pagdadaanang pagsubok.

At nasa sa'yo na, kung lalaban ka o susuko ka.

Nasa sa'yo kung magpapakatatag ka o kung magpapakahina ka.

Nasa sa'yo kung magpapaapak ka o kung lalaban ka.

Kasi sa totoo lang, ang kasiyahan mo ay hindi nakasalalay sa iba. Huwag mong idepende ang kaligayahan mo sa ibang tao.

Ikaw ang mismong may hawak ng kaligayahan mo, maging ang magiging kahihinatnan mo. Nasa sa'yo ang kapalaran mo at wala sa ibang tao.

Kung magkamali ka man, ayos lang. Mistakes are part of our lives. We ain't born perfect to not commit mistakes. We all commit mistakes—may it be intentional or not.

But never forget that the mistakes you have done in your past can help you in the present time and that will make you be proud of yourself in the near future.

And keep in mind na hindi lahat ng tao o pagkakamali ay nabibigyan ng second chance. Hindi lahat ay worth it.

Kapag binigyan ka ng isa pang pagkakataon, matuto kang pahalagahan 'yon at 'wag mong sasayangin. Dahil hindi lahat pinapalad na mabigyan ng isa pang pagkakataon.

Life is too short for us to waste every single moment we have, as well as the chances that's given to us.

And in this story, you will encounter different and complicated stories of life.

Mayroon yung nasaktan pero nagmahal ulit. Nandiyan yung sumubok magmahal kahit alam niyang mabibigo siya. Kasama pa yung ni-risk ang sariling buhay para sa mga taong mahalaga sa kanya. At mayroon yung patuloy na lumalaban para sa mga buhay nila.

In this story, you'll be able to find out if everybody deserves that "second chance."

But the question is....

after all they did—

the risks,

the mistakes,

the agoony and heartaches,

the sacrifices they have done,

do they really deserve a second chance?

Second Chance (Completed)Where stories live. Discover now