Hindi nga siguro siya 'yon. Baka guni-guni ko lang dahil sa kaiisip sa alien na 'yon.

Pero bakit si Klein? Madalas ko namang isipin pero di ko naman siya nakikita kahit saan. Kahit doppleganger man lang sana nito.

Napabuntong hininga ako. Bakit ko pa ba kasi iniisip yung gagong yun?

Tinapos ko na lang ang pagkain saka na umalis at bumalik sa pad.

Walang nag-'click' nang ipasok ko ang susi, ibig sabihin hindi naka-lock. Sandali akong nagtaka dahil ini-lock ko naman 'to kanina. Pero naalala kong hindi lang pala ako ang nakatira rito.

Mabangong aroma ng kape ang sumalubong sa'kin pagkapasok ko sa loob. Hindi ako nagkamali. Nandito na nga si alien. Naririnig ko ang boses niya mula sa kusina. Pasimple akong tumingin sa gawi niya habang naglalakad patungong kwarto.

May kausap siya sa phone habang may kinukuha sa cupboard. Kumindat siya sa'kin nang makita ako.

Hindi ko siya pinansin at nagtungo na sa sofa para umupo. Sa kwarto sana ako dediretso pero ewan ko ba sa sarili at parang gustong mag-eavesdrop about sa roommate.

Kahit nasa kusina siya at ako namay nakaupo sa sofa, nakikita pa rin namin ang isa't isa kasi wala namang boundary at hindi masyadong malawak 'tong pad. Hindi rin masyadong maliit.

"Do you like coffee?"

Napalingon ulit ako sa kanya. Wala na siyang hawak na phone at parang naghihintay na lang na matapos ang pagsalin ng kape mula sa kanyang coffee maker. Mukhang ako ang inaalok niya.

Umiling lang ako bilang sagot.

"Is there something on my face? Kanina ka pa nakatitig."

Naramdaman ko ang biglang pag-init ng mukha ko kasabay ng pag-iwas ko ng tingin sa kanya.

Spanish for milk!

"Nag-breakfast ka na?" Tanong ulit ni Heather. "May dala akong croissant. Kumuha ka kung gusto mo."

"Tapos na 'ko." Walang tinging sagot ko.

"Hindi ikaw ang kausap ko." Muli akong napatingin sa kanya. Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Wala naman kasi siyang kausap sa phone at wala rin siyang ibang kasama rito maliban sa'kin. Nakangiti siya nang balikan ko ng tingin. "I'm just messing with you."

"Kainis." Reklamo ko sa hangin.

"Anong sabi mo? Na-miss? Tama ba? Na-miss mo 'ko?"

Hindi ko siya kinibuan. Tumayo ako't pumasok na sa kwarto. At least dito hindi ko siya makikita. Pagkaakyat ko sa higaan ay muli kong binalikan ang librong binabasa kanina.

Muling bumukas ang pinto. Frustrated akong napabuga ng hangin nang makita ulit si Heather, hawak ang kapeng nasa styro cup at isang watercolor brush. Dumiretso sa kanyang desk at naupo.

May kausap ulit siya sa phone. At kahit na mag-eavesdrop ako, wala rin lang akong maiintindihan kasi hindi familiar yung naririnig kong sinasabi niya. Hindi tagalog o filipino. Hindi rin english. Ewan ko. Baka alienese?

Ang weird talaga ng babaeng 'to. Naalala ko na naman tuloy yung stack ng coupon na may paalon-alon na mga letrang nakaimprinta. Halata ngang may dugo siyang dayuhan. Iba kasi ang alpabetong yun at ngayon naman, nakikipag-usap siya over the phone in foreign language.

Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin ma-figure out. Mukha siyang bumbay kasi may dark circles sa gilid ng mga mata niya pero hindi naman parang torotot ang ilong kagaya ng mga indian-national na nakikita ko sa daan. Pointed nose pero maliit, lalong nagpaganda sa kanya. Kulay abo ang mata. Morena pero mas light pa ang complexion ng skin niya kumpara sa tipikal na Pilipino. At agaw-pansin din ang maninipis pero malalagong balahibo sa kanyang braso, nakakatuksong haplusin.

Haraam (GxG)Where stories live. Discover now