Tatlumpu't Pito: Sacrifice.

4.2K 108 5
                                    


Tatlumpu't Pito: Sacrifice.



Logan let out a long howl that full of pain and sorrow.

Sa wakas na tapos na rin ang laban pero sa totoo lang, nagulat na lamang ang mga kasamahan ni Logan sa pag-atake rito nang biglang magsipag-atrasan ang kanilang mga kalaban. Kaya naisip nila at buong akala nila ay sa wakas natalo din ni Alpha Logan ang hayup na dumukot sa kanilang luna. Kaya agad silang na alarma at nagtaka lalong lalo na ang kasapi ng Cresent Moon Pack nang kanilang marinig ang pag-ungol nito na puno ng sakit at pighati. Na sinundan pa nang sunod sunod na malulungkot na pag-ungol nito. Isang tunog na nakakadurog ng damdamin dahil sa sobrang kalungkutan, sakit, at pighating nilalaman nito.

Agad nilang tinungo ang pinagmumulan nito. Wala namang naiulat na namatay sa kanilang panig subalit marami ang malubha ang kalagayan. Pero.. Hindi nila ininda ang sakit at mga sugat na natamo ng kanilang katawan ngayon. Dahil sa ngayon, wala pang mas sasakit pa sa malulungkot na ungol na kanilang naririnig. Unti-unti na rin silang nilulukuban nang matinding kalungkutan habang papalapit sila nang papalapit sa pinanggagalingan ng mga malulungkot na pag-ungol na iyon. Subalit huli na ang lahat. Huli na sila nang dating. Dahil tanging isang malungkot na eksena na lamang ang kanilang naabutan.

Pilit na ginigising ng isang lobo ang wala nang buhay na katawan ng kaniyang mate. Tinulak tulak niya nang mahina ang braso nito gamit ang kaniyang nguso at nang walang kahit anong pagkilos ito ay nagpakawala ito ng mga malulungkot na ungol. The scene in front of them was breaking their heart into million pieces. At maya-maya nga lang ay napapalibutan na nila lahat ito.

Muling sinubukan ng lobo ang gisingin ang mate nito at muli itong nagpakawala ng isang mahaba at malakas na pag-ungol na puno ng lungkot, sakit at pighati nang muli siyang nabigo. Sinundan din nila ito ng isang mahabang malungkot na pag-ungol bilang pagpapahayag ng kanilang simpatya.

They saw how the wolf gently lick and clean his mate bloody face until there's no blood remain. He caress his fur against his mate cold and pale cheek hoping that it might awake her. Muli niyang tinulak ang braso nito at nang hindi uli ito gumalaw ay bumakas ang matinding kalungkutan sa mga mata ito. The wolf whimper and whine. He can accept this. Its his fault. Kung naging malakas lang sana siya. Hindi sana ito mangyayari. Nabigo siya. Hindi niya ito nagawang iligtas. Parang hinihiwa habang dinudurog at sinusunog ang puso niya ngayon. At maya-maya nga lang ay isang humahagulhol na si Logan ang kanilang nakita. Puno rin ng dugo ang katawan nito. Pero tila balewala lang dito ang mga ito. At patuloy lang sa pagluha habang mahigpit na yakap yakap ang wala nang buhay na katawan ni Seirra sa mga bisig nito habang nagmamakaawang gumising na ito.

Agad namang nagpalit anyo ang kakambal niyang si Lorrence, ang asawa ni Alice at ang apat niyang mga kaibigan at dali dali siyang nilapitan. Subalit hindi nila alam kung ano ang kanilang sasabihin. Kung ano ang kanilang gagawin. Ang tanging alam lamang nila.

Nabigo sila.

Nanalo nga sila subalit ano pa ang silbi nun kung ang pinakapakay nilang iligtas ay ngayon, isa na lamang malamig na bangkay.

Nasasaktan sila sa kanilang nakikita ngayon.

Subalit higit kanino man, si Lorrence ang mas nakakaintindi sa nadarama ni Logan. Damang dama niya kung gaano ito nasasaktan at kung paano ito unti-unting namamatay sa loob. At hindi niya nagugustuhan iyon. Ayaw niyang matulad si Logan sa taong iyon. Ayaw niyang mawalan uli ng kapatid. Lumuluhang niyakap niya ito na sinundan din ni Marcus.

Dahil alam rin niya ang pakiramdam kung paanong mawalan ng mate. Alam niya kung gaano ito kasakit. Subalit mas lalong alam niya na di hamak na mas masakit ang nangyari kay Logan dahil namatay ang mate nito, sa mismong harapan nito.

Perfect Match Soul ( EDITING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon