Tatlumpu't Anim Pangalawang Parte: Pain and Sorrow

4K 115 13
                                    


Tatlumpu't Anim Pangalawang Parte: Pain and Sorrow

----Logan

Damn! Where is she? And where the hell is that bastard? Huwag mong sabihing na duwag siya?

Mula pa kasi kanina ay hindi pa rin nagpapakita ang Alpha na pinaka pakay ko and to think na marahil ay kasama niya sa mga sandaling ito si Seirra ay nagpapakulo sa dugo ko. I can smell her and I know that she is somewhere near here. But damn! Dahil naman sa naghalo halong amoy ng dugo, nasusunog at iba pa ay di ko masyadong ma locate ang pinaka location ni Seirra.

Walang awa kong pinapatay ang lahat ng humaharang sa daraanan ko. I don't give a damn to them. Wala na akong panahon pa sa kanila. I need to find my mate. I growl irritatedly when another five black werewolfs block my way. Sa sobrang inis ko ay sa isang kisap mata lang ay naputol ko ang ulo nang lobong nasaunahan ko gamit ang matatalim kong mga kuko. Sunod kong sinugod ang nasa kaliwa ko. Marahas at mariin kong ibinaon ang mga kuko ko sa puso niya dahilan upang mangisay at humiyaw siya sa sakit. Hindi naman nagsayang nang pagkakataon ang kasama nito at akmang kakalmutin ako nang nanggigigil kong kinagat ang kaliwang paa niya sa unahan dahilan upang maputol ito. Agad itong napaatras at umungol sa sakit.

Biglang may dumagan sa likuran ko at pilit na kinakagat ang leeg ko. Damn! Naiinis na ako sa kanila ah! Agad naman akong sinugod ng isa pang natitira subalit mabilis akong dumapa dahilan upang sumalpok siya sa kung sinuman ang nakadagan sa akin. Hindi naman na akong nagsayang pa ng oras at mabilis kong ibinaon ang matatalim kong mga ngipin sa leeg ng unang lobo na nakita ko. Habang ibinaon ko naman ang mga kuko ko sa puso ng nasa kaliwang lobo. Nang masigurado kong patay na sila ay nakakatakot ko namang tinignan ang isa pang natitirang buhay. Agad naman itong kumaripas ng takbo palayo habang paika ika pa dahil nga naputol ko ang isa sa mga paa niya. Tss coward.

I growl loudly then froze suddenly. I sniff in the air and my eyes turn black and sharp. I can smell her! She's here! Mabilis kong iginala ang paningin ko. Damn! Where is she? Where is she? Nang hindi ko siya makita ay agad kong sinundan ang kaniyang amoy. I frown. Bakit parang palayo ito nang palayo? Mabilis ko itong sinundan dahil baka tuluyan na naman itong mawala. At ilang sandali nga lang ay natanaw ko na siya. I growl loudly and dangerously when I saw that they are chasing her.

Nakita kong napalingon siya sa akin at biglang huminto sa pagtibok ang puso ko nang makita ko kung paano siya napangiti nang makita niya ako. Halos mutik nang magpagulong gulong sa lupa ang wolf ko sa sobrang saya lalo na nang makita niyang masaya itong tumakbo patungo sa amin.

Pero mabilis din naputol ang pagsasaya niya at bumalik sa pagiging nakakatakot na Alpha mode nang biglang isang napakalaking itim na lobo na may kulay dugong mga mata ang humarang sa harapan ni Seirra.

My wolf let go a powerful growl. Strong and dangerous. Na sinuklian din niya nang malakas na ungol. I glared at him and gritted my teeth. Nagpakita ka rin sa wakas. Ngayon, pagsisisihan mong kinalaban mo ako at sisiguraduhing kong pagsisisihan mo ring nakilala mo pa ako. Walang anu-ano ay mabilis, puno ng galit, at marahas kong sinugod si Blade. Blade scream loudy when I bit him on his front right legs. Mabilis naman niyang kinalmot ang likuran ko and I groan in pain. Pinakawalan ko siya well, not until I sink hard my sharp teeth on his flesh that I almost ripped it.

Bigla siyang umatras. Hinintay ko siyang sumugod subalit sa halip na muli niya akong sugurin ay malakas lang niya akong tinulak gamit ang kaniyang ulo dahilan upang bahagya akong mahilo. Fuck!

Saka niya mabilis na sinugod si Seirra. Mabilis naman siyang naiwasan ni Seirra at saka hiniwa nito ang kaliwang mata niya gamit ang hawak nitong punyal. Blade scream painfully at mabilis na umatras. He then glared at her and let go a very low, scary and dangerous growl before he lounge towards her. Mabilis namang tumakbo palayo si Seirra sa kaniya.

Perfect Match Soul ( EDITING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon