Tatlumpo't Lima : War.

4.1K 103 6
                                    


Tatlumpo't Lima : War.

" Is everything already set? " puno ng awtoridad na tanong ni Logan sa mga pack warrior niya.

" Yes, Alpha. " sagot naman ng mga ito na may matinding determinsyong makikita sa kanilang mga mata. Determinasyong iligtas ang kanilang Luna.

Isang araw na ang nakakalipas mula nang madukot si Seirra dahil bigong mahanap ito ni Logan kahapon matapos nitong mawala sa lawa subalit may iba naman siyang natagpuan.

Habang hinahanap niya kasi ito ay iba ang natagpuan o sabihin nating mga natagpuan niya. At hindi niya akalaing matatagpuan niya sila sa ganoong kalagayan. Malapit kasi sa labas ng teritoryo niya. May isang tagong kuta siyang nakita. Kahina hinala ang lugar na iyon dahil nababalot ito ng usok dahilan upang epektibong matago ang amoy ng kung anumang naroon at malabong tao ang nagkukuta roon. Kaya naisip niyang baka doon nila tinatago si Seirra.

He immediately call almost half of his pack warrior through mind link and waited for them to arrive. Pagkarating nila ay agad silang nagplano at naghanda sa pag atake. Doon nga nagtatago ang halos nasa dalawampung werewolfs na kasapi ng Bloody Death Pack kaya pala kay dali lang ng mga itong makapasok sa kanilang teritoryo subalit sa kasamaang palad ay hindi si Seirra ang kanilang natagpuan kundi sina Kian at lima pang hunter na ang dalawa doo'y nagpakilalang magulang ni Seirra. They are all beaten up and like they are not feeded properly dahil halos namamayat na ang mga ito.

Ayon sa mga ito ay halos dalawang linggo na silang bihag doon. Ginagamit silang bihag ng pinuno ng mga ito para hindi mangielam ang hunter association sa mga plano nito.

Ito rin ang dahilan kung bakit biglang nawala si Kian. Na dahilan upang paghinalaan nila siya ni Seirra na kasabwat ng kalaban.

Nalaman na niya rin ang katotohanan kung paanong naroon sila noong araw na atakihin ang dating pack ni Seirra. The reason is, hina-hunting nila ng araw na iyon ang Bloody Death Pack dahil sa mapangahas na pangunguha ng mga ito sa mga tao para gawing... Alipin. Fuck! Mas lalo tuloy tumindi ang pagnanais ni Logan na pabagsakin ang mga ito. Dahil paano nila naaatim na gawin ang mga karumaldumal na bagay na iyon.

Sa ngayon ay kasulukuyan nagpapagaling ang mga hunter mula sa mga natamo nilang injuries. Habang sila naman ay nagpaplano't naghahanda na sa gagawin nilang pagsugod sa pinakakinatatakutan, delikado, malaki at malakas na pack upang iligtas si Seirra. 

Mas lalo pa silang nabuhayan at nilakasan ng loob ng makipagtulungan sa kanila ang ilang hunter na malapit sa pamilya ni Seirra at kay Kian. Kasama rin nila si Kian sa gaganapin na pag-atake.

Isa pa, nagpumilit ring sumama ang apat niya pang kaibigan na mga Alpha rin katulad niya dahil kahit pigilan niya pa ang mga ito dahil nga alam niyang delikado ang kanilang kalaban ay alam niyang hindi papapigil ang mga ito na sumama sa gagawin niyang pag-atake. Napabuntong na lang siya't hinayaan ang mga ito.

Nang masigurado na niyang handa at nandito na ang lahat. Ay hinati niya ang mga ito sa limang na pangkat. Ang unang pangkat ay ang mga pack warrior ni Zed na obviously na si Zed ang mamumuno. Sa kanlurang bahagi aatake ang mga ito. Si Jake naman at ang pack warrior nito ang sa hilagang bahagi. Habang si Cres naman at ang pack warrior nito sa likurang bahagi. Habang siya, si Klye ang third in command niya at kalahati ng pack warrior niya kasama ang anim na hunter kabilang si Kian ay sa unahang bahagi. Habang ang kakambal niyang si Lorrence, si Marcus at ang kalahati pa ng pack warrior niya ay hihintayin ang tamang oras upang umatake. Each group have 3 hunters also.

" Lets go and save my MATE! OUR LUNA! " Logan roar strongly.

" SAVE OUR LUNA! " they roar back with so much determination.

Perfect Match Soul ( EDITING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon