Apat : Alexa√

9.5K 253 6
                                    

Dedicated@SybilLee , Salamat sa pagsuporta sa dalawa kong story ^__^

Apat: Alexa.

----Seirra

Mag-isa na naman ako sa silid na ito. Nakakainis! Apat na araw na akong nakakulong sa lintik na silid na ito at kahit anong gawin kong pagmamakaawa ayaw talaga akong pakawalan nung Logan na iyon. Paano na ako tatakas nito kung nakakadena ako? Nakakadena pa rin kasi ang isa kong paa sa kama. Kainis talaga. Apat na araw na din akong walang kain dahil kahit anong pilit nila ay ayokong kumain mas mabuti pang mamatay na lang ako kaysa ang makulong dito habang buhay. Pero tragis lang! Ang utak masyado nung Logan na iyon. Biruin niyo sapilitan ba naman daw ba akong painumin ng fruit shake gamit ang BIBIG NIYA! Oo, gamit ang bibig niya. Sa tuwing hindi kasi ako kumakain ay nagpapatimpla siya ng fruit shake as in mga pinaghalo halong prutas. Tapos ay iinum niya iyon. Noong una, akala ko ay iinggitin niya lang ako pero laking gulat ko na lang nang bigla niya akong halikan at sapilitang isinalin sa akin ang ininom niyang fruit shake! At talagang di niya aalisin ang mga labi niya sa mga labi ko hangga't di ko na lulunon iyon at dahil kailangan kong huminga ay napipilitan tuloy akong lunukin ang lahat ng iyon. Halos sumabog na ang mukha ko nun sa pamumula. Hindi ko rin alam kung madidiri, masusuka o ano ako nun. Paulit-ulit lang niya iyon gagawin hanggang sa maubos na iyong pinatimpla niyang fruit shake. 

Halos araw-araw ay ganoon ang ginagawa niya sa tuwing hindi ako kumakain. Hindi rin ako makapalag sa kaniya kahit gusto ko dahil napakalakas niya at hindi niya talaga ako hinahayaang makapalag. Ang ending tuloy ay napipilitan na akong kumain kaysa naman ang halikan niya noh. Pero ang pinaka ikinaiinis ko talaga ay sa di ko malamang dahilan ay nagugustuhan ng katawan ko ang pakiramdam sa tuwing naglalapat ang aming mga labi at katawan. Nakakaadik din ang amoy niya na animo'y naglilihi ako dun. Naiinis ako sa sarili ko tuwing ganun ang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko siya. Diba dapat ay naiinis at galit ako sa kaniya? So bakit ganun? Parang masaya pa ako sa tuwing nakikita at nakakasama ko siya. Nakakainis dahil pakiramdam ko ay nagtataksil ako kay Kian.

Tapos ang isa pang ikinaiinis ko ay panay ang tawag sa akin ng Luna ng mga taong pumapasok dito para dalhan ako ng pagkain at bantayan sa tuwing may trabaho daw kuno yung Alpha nila na si Logan. Tss. As in Alpha? Luna? Ano ba yung mga iyon? Tapos yung lintik na Logan na iyon sa tuwing tinatanong ko siya kung bakit niya ba ako ikinukulong dito sa silid na ito ang sagot ba naman sa akin ay eto ' Because you are my mate and you are belong to me. ' Di ba nakakainis lang. Tapos ano ba yung mate? Ayaw naman din niyang sabihin kung ano iyon basta ang lagi lang din niyang sagot ay malalaman ko daw kapag nag-mating na kami. At ayun na naman! Ano na naman ba iyong mating na iyon? Buwisit lang kasi para akong tanga dito.

Pero para kasing narinig ko na yung salitang mate or mating sa isang movie eh. Ano ba iyon? Twi-- twi-- ano nga ba iyon? Ah basta yung may mga vampire and werewolf! Di kasi ako mahilig sa ganoon. Di naman kasi totoo yung mga ganoong nilalang kaya never pa akong nanood ng mga ganung palabas. Pero yung mama ni Lindon na si Alexa ay mahilig doon at ang nakakatawa pa ay talagang pinagpilitan niya pa sa aking totoo nga daw talaga ang mga iyon at katunayan daw ang asawa niya na siyang ama ni Lindon ay isang Alpha werewolf at ang pangalan daw nung pack nila ay Stone Pack at sa katunayan ay isa rin siyang werewolf pati din si Lindon. Na pa oo na lang ako nun kasi alam kong di ako tatantanan ni ate Alexa 'pag di ako sumang-ayon. Iyon pa eh dakilang pasaway iyon at isa pa delikado nga ang pagbubuntis niya nun kaya hinayaan ko lang sa gusto niya dahil baka ma-stress lang siya at mapaanak nang wala sa oras. Minsan nga isang gabi, siguro halos dalawang buwan ko na siyang kilala at halos tatlong buwan na rin yung tiyan niya eh naikuwento niya sa akin ang kakaibang lugar na pinanggalingan niya. Kakaiba kasi kung anu-anong nilalang ang sinasabi niyang mga kasama niya doon. Like mga werewolfs, werecats at kung anu-ano pa. Iyon ang kauna-unahang nagkwento siya sa akin ng tungkol sa kaniya.

Perfect Match Soul ( EDITING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon