Dalawa : Mine? Mate? √

11.5K 362 5
                                    

Dedicated @AiraMaeLacap' , medyo badmood kasi ako kahapon tapos bigla kong nabasa yung comment niya ayun nawala bigla yung badmood ko. Mababaw lang talaga ang kaligayahan ko eh.

Dalawa: Mine? Mate?

----Seirra

" Hon, gising na. I-e-enroll pa natin si Lindon. " sabi ng isang tinig ng lalake habang niyuyugyog ako nang marahan sa aking balikat.

" Hmmm. " tanging tugon ko sabay waksi ng kamay ng kung sinuman itong gumigising sa akin.

" Hon, gising na. " ani uli nito ngunit sa pagkakataong ito ay gamit ang isang madiing tono.

Arggh! Kainis naman eh! Kakatulog ko pa nga lang tapos gigisingin kaagad ako? Nasaan ang hustisya! Reklamo ng utak ko.

" Tita, gising na baka ma-late na tayo niyan. " ani ni Lindon sa akin sabay talon talon sa kamang hinihigaan ko. Dahil doon ay tuluyan na akong napabangon.

" Oo na po, heto na nga po at maliligo na. " sagot ko sabay hikab saka dahan dahang bumangon.

" Good morning baby and hon. " nakangiting bati ko sa kanila na agad din naman nilang sinuklian ng isang matamis na ngiti.

" Good morning. " sabay nilang bati rin sa akin.

" O siya, sige na labas na muna kayo at ako'y maliligo na dahil super excited na ang baby boy kong mag-aral. " masigla kong sabi kahit sa totoo lang ay masakit ang ulo ko.

Napahagikgik na lang si Lindon samantalang napangiti naman si Kian habang palabas sila ng silid ko. Pagkalabas nila ay agad akong napahawak sa sentido ko at marahang hinilot ito. Nakakaasar naman kasi! Hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa lintik na mga matang iyon! Halos mag-uumaga na tuloy nang makatulog ako. Saka pakiramdam ko talaga ay may nakamasid sa akin kagabi tapos idagdag mo pa yung nakita ko kaya ayun buong gabi akong hindi nakatulog dahil sa takot at kaba. Matapos kong maligo ay naabutan ko silang naghahanda ng breakfast ang actually tapos na nga sila.

" Hmmm.... Himala at hindi ata sunog ang niluto niyo. " bungad ko sa kanila.

" Whe.... Si tita, kailan po ba kami nagluto ni tito ng sunog? " pilyong sagot sa akin ni Lindon.

" Oo nga naman hon. Sa pagkakatanda ko ay ni minsan, wala pa. " nakangising sang-ayon naman ni Kian.

" Sus. Lunok subo na nga lang ang ginawa ko tuwing kayo ang nagluluto eh. " pang-aasar ko naman.

Napasimangot naman sila dahilan upang mapatawa ako.

" Naku, di na mga mabiro. Ang sarap nga ng amoy eh. Oh? Ano na naman ba ang niluto niyo ngayon? " tanong ko kahit alam ko naman na kung ano.

" Para sa mahal na reyna ho---- "

" Hotdog and bacon with special fried rice! " pagputol at panggagaya ko sa linya nilang dalawa.

" Tita/Hon! Linya namin iyan eh! " nakalabing sagot nilang dalawa na ikinatawa ko. Inirapan naman nila ako.

" Eh paano ba naman halos araw-araw ata iyan ang linya niyo noh. " ang natatawa ko pang sabi.

Oo, literal na araw-araw. Ibig sabihin lang din araw-araw sa tuwing nauuna silang magising sa akin ay iyon ang almusal namin. Lupet nila ano? Walang kasawa-sawa. Kaya nga palagi kaming nag-uunahang masigising at sa kasamaang palad ay nauna sila sa akin ngayon.

Matapos naming mag-almusal ay nagtungo na kami sa isang private nursery school at in-enroll namin si Lindon. Mabilis lang naman kaming nakapag-enroll kaya naka-uwi kami kaagad. Mag-aayos pa kasi kami ng mga gamit namin sa bahay saka maglilinis na rin.

Perfect Match Soul ( EDITING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon