"Huh? O paano siya naging bad guy kung niligtas ka niya sa lalaki?"

"Eto na nga. Ikukuwento ko na. Bale after nun, hinabol kami ng pulis. Hindi ko alam kung bakit. Hanggang sa hinila niya ako at napunta kami sa car park ng airport. Doon nagsimula ang lahat. Naghingi siya ng kapalit sa pagligtas niya sa 'kin---"

Pinutol ko siya, "Besh, parehas pala tayo ng naranasan. Naghihingi rin ng kapalit ang isang masamang tao na nagligtas sa 'tin. Jinx 'no?"

"Jinx ka diyan. O siya, itutuloy ko na. So humingi nga siya ng kapalit 'di ba? Humindi ako. Mukha kasi siyang adik at kapag mukha siyang adik, may pagkaadik din ang kapalit niya 'di ba?"

"Huh? Ilang taon na ba siya?"

Nag-isip siya, "Hm. Siguro mga kasing-edad ko lang,"

"Eh? Eh paano mo nasabing adik siya? Pangit ba?"

Napaisip ulit siya, "May itsura naman kaso...Ah! Oo. Mukha siyang gangster. Alam mo yung may hikaw sa tenga tapos mukhang jejemon na may eyeliner na emo na hindi mo maintindihan? Parang gano'n,"

"Oh? Seryoso? Ibig sabihin, jinx nga talaga tayo. Kasi gangster din yung naikwento ko sayo nun. Yung kinaiinisan ko. Baka yun yung nakilala mo,"

"No. Parang imposible naman ata. I mean, tumatambay yung gangster na sinasabi mo sa eskinita papunta sa inyo hindi ba? Paano naman siya mapupunta ng airport?"

"Eh? Edi bakit ka nakakilala ng gangster sa airport? Ano yun? Mayamang gangster?"

"Hindi naman siya mukhang mayaman pero mukhang mamahalin yung hikaw niya tsaka yung dog tag na kuwintas niya. Baka nga, mayaman siyang gangster,"

"See? Hindi lang baka. Mayaman talaga siyang gangster,"

Saka na-realize ni Besh ang pinag-uusapan namin, "Teka. Ano bang mangyayari kung malaman nating mayaman siyang gangster o hindi? Hindi ko na tuloy naituloy yung kuwento ko. So ayun nga, hindi ko tinanggap ang kapalit niya. Edi aalis na sana siya. Pero bigla kong naalala na nawawala ako kaya nakiusap ako sa kanya na tulungan ako. Pero hinirit niya na may kapalit tsaka yung kapalit na yun ay kapalit din daw nung pagliligtas niya sa akin,"

"So ano yung kapalit?"

"Alam mo Besh, it's impossible na siya yung kinaiinisan mong gangster na naghingi rin ng kapalit dahil iba ang kapalit niya sa kapalit ng sa 'yo. Alam mo ba ang kapalit niya?"

"Ano?"

Namula si Besh at inis na sinabing, "Sabihin ko raw kung anong kulay ng underwear ko at paki-specify raw kung may designs! Yun yung kapalit niya! Grrr!"

Ina-absorb ko pa yung sinabi ni Besh hanggang sa nang na-absorb ko na ang lahat nang sinabi niya, tumawa ako nang malakas, "AHAHAHAHAH! REALLY? HAHAHA! PFFT! AHAHAHAH! MAS MALALA PA PALA ANG KAPALIT NUNG SAYO! AHAHAHAH! LOL."

Hinampas ako ni Besh, "Hey! Tumahimik ka nga diyan! Ingungudngud talaga kita sa pader kasama ng lalaking yun!"

"Hahaha. Nakakatawa naman kasi yung kapalit niya. Hahaha. Naiiyak na ako. Hahaha. O tapos? Ano nang nangyari after n'on?"

"Tigilan mo nuna iyang pagtawa mo bago ko ituloy. Pwede?"

Tinry kong pigilan yung pagtawa pero sa tuwing naaalala ko yung sinabi ni Besh, natatawa na naman ako, "Hahaha. Paano ko pipigilan? Hahaha. Sobra kayang nakakatawa,"

Nag-cross arms siya at nag-poker face, "Okay lang. Hihintayin na lang kita. Gora,"

Hm. Mukhang seryoso na 'to. Naiinis na siya.

Pinigilan ko na ang pag-iisip sa kapalit kay Besh para mapigilan ko na ang pagtawa kahit mahirap. Success naman, "O bilis. Ituloy mo na,"

Napabuntung-hinga si Besh bago tumuloy, "What happened is, ayun. Sa galit ko, nasipa ko ang iyon. Alam mo na. Nag-walk out na ako after that pero narinig kong nagbanta siya. Maghihiganti raw,"

My 3 Identity BoyfriendWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu