MTMH^7^

213 9 0
                                    

"Oo ba?" Alex

"Alex please wag mo sanang ipagsabi sa iba ang nalaman mo ngayon"

"Bakit? natatakot kang baka maalis sya sa pagtuturo?! Pano? pano kayo naging mag asawa? pumayag agad ang magulang mo maski bata kapa at kailangan talagang sa teacher pa?!" Malakas na yung pananalita nya nakakatakot na sya.

Kwinento ko sakanya mula una kung pano kami pinakasal kung anong dahilan kung bakit kami kinasal.

---

"Gusto kong makita ang kapatid at mama mo pwede ba nating puntahan sila?" Alex, naintindihan naman na nya lahat ngayon kaya happy na ulit ako.

"Oo ba matagal ko narin silang hindi nakikita o nadadalaw, kailan mo ba gustong pumunta?" tanong ko sakanya.

"Pwede bang bukas? Wala naman tayong pasok bukas kaya ok lang na umalis tayo" Alex.

"Ok sige bukas tayo alis at sa tingin ko kailangan nating agahan bukas malayo layo kasi yun" sabi ko at nag nod naman sya.

----

Ngayon ay pauwi na kami ni Alex, hinatid nya muna ako sa bahay at umalis narin sya, pumasok naman na ako sa loob ng bahay at agad ko nakita si Alvin na nakaupo habang nakatapat sa TV at umiinom ito ng alak, Hindi ko nalang sya pinansin at aakyat na sana ako ng may biglang yumakap sa likod ko

Tumingin ako sakanya at nagulat ng makita ko syang umiiyak sa harap ko, halatang halata ang lungkot sa mga mata nya pero di ko iyon pinansin ewan pero.. basta inis ang nangunguna sakin.

"Lian mali ba ginawa ko kanina? Di ko na kasi kaya eh sobrang sakit na talaga" Alvin at patuloy parin sa pag iyak, hindi ko alam kung anong gagawin ko o sasabihin ko kaya nakatingin lang ako sakanya.

"Lian naman oh, di ko na alam gagawin ko! Tama na to! Layuan mo na si Alex!! Ako ang asawa mo kaya sundin mo ko!! Isa pa di mo sya kailangan piliin dahil andito ako ang ASAWA mo!!" sigaw nya na nakakatakot at halatang galit na galit na.



"Ano ba sinasabi mo Alvin?! Alam mo lasing kana kaya matulog kana at ako rin dahil maaga pa ko!" sabi ko at agad akyat at sabay pasok sa kwarto.

Bakit ganto nararamdaman ko ngayon? Nasasaktan ako sa mga sinasabi ko sakanya? Naaawa ako sakanya dahil sa mga pinapakita nya sakin, mahal ko parin naman sya eh ang dh ko lang alam kung bakit ganto ako sakanya, hayy.. napa upo nalang ako at naiyak na ng tuluyan.

-------

5:20am

Nakabihis na ko, gantong oras kasi ang sinabi ko kay Alex dahil malayo layo pa ang pupuntahan namin, nakasuot nga lang pala ako ng pantalon na butas sa tuhod at t-shirt na white at naka sapatos din.

Excited na ko dahil matagal ko narin hindi nakikita sila mama at kapatid ko miss na miss ko na kasi sila eh, maya maya ay biglang tumunog yung phone ko at si Alex yung nag text.

-ALEX^*^
Good morning, Andito na nga pala ako baba kana huh.


Kinuha ko naman na yung bag ko at lumabas na, di ko alam kung magpapaalam ba ako kay Alvin o hindi kasi eh tulog pa yun, aish bala na nga text ko nalang sya mamaya, bumaba na ko ng bigla kong nakita si Alvin na mahimbing natutulog sa sopa, Bat naman dito sya natulog? ay ewan... dahan dahan nalang akong lumabas at nakita ko si Alex na nakasandal sa kotse.




"Good morning" bati ko at ngumiti naman sya at ganun din ako.


"Tara na?" yaya nya, nag nod nalang ako at pumasok na kami sa loob may driver po sya huh.

--------


ALVIN'S POV

Kring,kring,kring!!~~

dahan dahan akong gumising at agad napatayo ewan ko kung bakit at agad akong inakyat ng mga paa ko papuntang kwarto ni Lian, pag bukas ko ay... Wala sya, asan sya? wala naman syang pasok ngayon ah, Ang aga naman nyang umalis.

Bakit bigla akong kinabahan? saka bakit di nya man lang sinabi na aalis sya? Napaupo nalang ako bigla sa hagdan at naiyak nanaman, ilang araw na kong ganto bakit ba nagiging ganto si Lian ayaw nya naba sakin? Bakit nya ba ko nilalayuan!



Nagmamahal lang naman ako ah bakit kailangan ko pang masaktan!

Dring..dring..dring~~!!

Napatingin ako sa phone ko at si Nathan yun ang kaco teacher ko english teacher sya.

"Hello" panguna ko.


"Hey, Pre! Pwede kaba ngayon nagkayayaan sila cristian uminom mamaya tara sama ka" Nathan.


"Sige sama ako text nalang kita maya" sabi ko at pinatayan ko naman na sya, siguro hindi ko naman kailangan maging ganto palagi kailangan ko ring maging masaya.

----

My Teacher is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon