Go with the Flow

361 5 0
                                        

[Author's Note: This is the Revised and Edited Story of Torpe + Manhid = ???]

Posted: December 26, 2013

[Dash POV]

"oh anong nangyari sayo?" tanong kay mish. pagkabalik kasi niya galing sa lakad nila ni eunice naka busangot siya at padabog paang pumasok sa kwarto ko

"eh pano yung mapapangasawa mo, atribida" halos umusok ung ilong niya halata mong galit

"haha ano bang nangyari?" tanong ko

"eh kasi kuya kyle, ayaw niya nung gown na gusto ko. nasasapawan daw siya e anong magagawa ko, mas maganda talaga ko sakanya di ba? Di ba, di ba kuya kyle?!!" lalo akong natawa sa sinabi niya. galit na galit na siya nagawa niya pang purihin ang sarili niya haha imba talaga tong si mish

"ano ba kasing problema dun sa gown mo?" tanong ko

"masyado daw maganda. nasasapawan daw siya. eh maganda lang naman talaga ko. kung alam lang niya naku!" galit na galit na sambit ni mish

"haha, hayaan mo na. gusto mo ba talaga yun?" tanong ko

"Oo kuya kyle gustong gusto" sagot ko

"sige na nga. tara na balikan natin yung gown na gusto mo"

"talaga? wee! ikaw na talaga kuya kyle" naglulundag siya sa tuwa. bata nga naman pag baba namin ni mish sakto namang dating ni eunice

"saan kayo pupunta?" tanong niya

"sa botique ng designer natin" plain kong sagot

"nakapili na ko ng gown para sa bride's maid" sagot ni eunice

"ayoko ng pinili mo. gusto ko yung pinili ko" sabat ni mish

"hindi nga pwede yun. dash naman, wedding natin yun. dapat yung bride ang mas mapansin. yung napili ni mish na gown pang debut e" sabi ni Eunice, parang gusto kong matawa. ano nanaman kayang plano nitong pinsan ko haha

"kuya kyle naman ee" maktol ni mish

"dash" sabat ni eunice

"tara na mish" tawag ko sakanya tsaka ako tumingin kay eunice

"pabayaan mo na si mish. kung yun ang gusto niya edi yun. kung pakiramdam mo naaangatan ka niya edi palitan mo ung gown mo. pumili ka ng mas maganda kesa sa susuotin niya" yun lang at umalis na kami. si eunice naiwan sa sala. parang di makapaniwalang sinagot ko siya

--

nandito na kami sa botique at tinitignan ung gown na nagustuhan ni mish hindi ko mapigilan ang matawa

"mish, ito ba talaga ang gusto mo? eh para ka nitong aattend ng royal ball e" natatawang sabi ko sakanya

"kuya kyle gusto ko talaga to’. pero hindi ko naman sa kasal mo gustong isuot yan e. tsaka may kasalan ba talaga?" sabay tawa ni mish

"magtigil ka nga. so san mo to’ gustong isuot? talagang iniinis mo lang si eunice ha" sabi ko

"sa birthday ko kuya kyle. bagay na bagay yan sa royal theme ng party ko" sagot naman nito

"ok sige" tas tinawag ko na ung assistant sa botique para kunin na yung gown

"kuya kyle. wag mo sabihin kay ate eunice na para yan sa birthday ko ah para lalo siyang mainis" sabi pa nito

"eh ba’t mo ba iniinis si eunice?" tanong ko

"eh nakaka inis kasi ung atribida na yun. napaka desperada. alam mo bang sinabi niya kanina kay lolo na i.hold yung account mo at i-ban ka sa airport para siguradong hindi mo masundan si ate rainne sa paris" sagot niya

"talaga? ginawa niya yun. hay! hayaan mo siya, maghintay nalang siya sa araw ng kasal" sagot ko naman.

--

[Mish POV]

bumangon ako at naligo na pag gising ko. buti nalang talaga at di ko na nakita kagabi si ate eunice. sigurado aapela nanaman yun dahil sa pag bili ni kuya kyle sa gown na gusto ko hmp! pagkatapos ko magbihis ay bumaba na ko. at jusme, umagang umaga talaga? seryoso?

"good morning hija" bati ng lolo ko

nasa dining area na din si ate eunice. uupo sana siya sa tabi ni kuya kyle pero nagmamadali akong tumakbo at umupo doon.

"good morning lolo, kuya kyle" ngumiti ako ng malapad tsaka tumingin kay ate eunice.

"oh? andiyan ka pala. ang aga mo ah" sarcastic kong sabi

"ah, oo hehe" at wala siyang nagawa kundi umupo sa tapat ko. nagsimula ng kumain ang lahat ng inopen ni lolo ang usapan tungkol sa kasal

"apo, mahigit isang linggo nalang at kasal mo na. naayos niyo na ba ang lahat ng kailangan?" tanong nito

"yes lolo" sagot ni kuya kyle

"ang mga invitations, venue, souvenirs, photographer" sunod sunod na sabi ni lolo

"lo, easy. kasal lang to’. okay na po lahat. kalma" biro ni kuya kyle natawa naman ako. mas nakakatawang hindi naka imik si ate eunice haha ginatungan ko naman

"oo nga lolo, kasal lang yan" diniinan ko pa ang pagbigkas sa salitang kasal

"hndi yan product launching" dugtong ko pa. walang umimik samantalang kami naman ni kuya kyle kulang nalang bumunghalit sa tawa dahil sa reaksyon ng mga kasama namin sa mesa

"ay lolo ok na din po pala yung gown ko, gusto niyong makita?" pag bibida ko para lalong mainis si ate eunice

"anong gown ba ang napili mo hija? tanong ni lolo

"mish, yan ba ung napili ko para sayo?" tanong ni ate eunice

"ah hindi noh, yung gusto ko pa din yung binili namin ni kuya kyle. ang ganda nga eh" pang iinis ko at nakakatawa yung reaksyon niya halatang nagpipigil lang siya ng inis. pero siguro may tumatakbo na sa isip niya. baka gusto na kong ibigti nito haha. bumaling naman ako sa direksyon ni lolo

"alam mo lolo ang ganda talaga. sabi nga ni ate eunice lalo akong nagmumukhang prinsesa dun sa gown na yun eh. ang ganda ng kulay at ung mga detalye pinong pino" masayang kwento ko

"baka naman hija matalbugan mo yung bride" sagot ni lolo. nabigla ako dun, pero ng makita ko yung mukha ni ate eunice na halatang natutuwa sa sinabi ni lolo. nakabawi agad ako at sumagot

"si lolo talaga. wala po ba kayong bilib sakin? kahit naman magsuot ako ng gutay gutay, tatalbugan ko talaga kahit sino. ako kaya pinaka maganda dito" pagyayabang ko. biglang tumawa ng malakas si kuya kyle sabay push pataas ng kamay niya. parang party party lang haha.

"wew !! mish, ikaw na haha . pinsan ko toh wew !! pinaka maganda haha" sinabayan ko naman trip ni kuya kyle, naki party party sign din ako haha. natawa naman si lolo

"mag tigil nga kayong dalawa. para pa din kayong mga bata. magsikain na kayo" sabi ni lolo

"ay lolo si wayne pala pupunta na dito bukas" balita ni kuya kyle

"oh yung best friend ni mish" biro ni lolo na natawa naman si kuya kyle. nag bubble face nalang ako. ano ba naman yan! si sayduck nanaman ?!! hmp !!!

pero mas nakakagulat yung nakita kong shock sa mukha ni ate eunice. hmm may naisip tuloy ako. humanda to’ sakin bukas hahaha

Torpe + Manhid = ??? (FINISHED)Where stories live. Discover now