Heart Break

376 4 0
                                    

[Author's Note: This is the Revised and Edited Story of Torpe + Manhid = ???]

Posted: December 26, 2013

[Dash POV]

Dalawang linggo akong hindi pinalabas nila lolo. yun ang kondisyon, iiwasan ko si rainne o idedemanda ang papa niya sa pambubogbog sakin. mas pinili ko ng manatili muna sa bahay pero hindi ibig sabihin nun na iiwasan ko si rainne, kahit harangin nila ko ng taga, si rainne pa rin ang pipiliin ko. at ngayon nga eksaktong ika-dalawang linggo mula ng makulong ako sa bahay. ngayon ko palang pwede makausap si rainne. maaga akong umalis sa bahay para hanapin si rainne, gusto ko siyang maka-usap.

--

ilang oras na din ako nandito sa lobby pero di ko pa din makita si rainne. pero handa akong maghantay kahit gaano katagal. at tulad ng inaasahan nakita ko si rainne na parating. nakita kong tumingin siya sakin pero bigla siyang umiwas. galit pa din ba siya?

"rainne" tawag ko sakanya. palapit na sana ko ng nagmadali siyang umiwas. susundan ko sana siya ng may dalawang lalaki ang humarang sakin.

"teka? ano to’? padaanin niyo nga ako" pero ayaw talaga nila ko padaanin kahit nagpumilit ako.

"tama na yan" sigaw ni rainne tsaka lumapit at tumayo sa harap ko. hinawakan niya ang mukha ko tsaka sinambit ang mga salitang bumasag sa puso ko

"dash, i'm sorry. break na tayo. simula ngayon, wala ka ng dahilan para lapitan ako. tinatapos ko na ang lahat sa atin." para kong nabingi sa mga sinabi niya. may inabot siya saking papel tsaka ako tinalikuran. naiwan ako dun na tulala. parang umugong sa utak ko ang salitang binitawan niya. hindi, hindi ko kayang mawala si rainne. bakit? bakit siya sumuko? mahal na mahal ko siya. Unti-unting pumatak ang mga luha ko. maraming nag-uusap sa paligid. siguro pinagtatawanan nila ko. pero bakit rainne? bakit binitawan mo ko?

--

[Rainne’s POV]

matapos ang tatlong araw nakahanap din sila daddy ng body guard ko. kaya nakapasok ako agad sa school. maghapon ko nung hindi nakita si dash, kaya pinasya kong hanapin si greg

/FLASHBACK/

"rainne" tawag niya sakin sabay yakap

"na.miss kita rainne" sabi pa niya 

"kamusta ka na? ayos ka lang ba?" tuloy tuloy na tanong niya

"ano ka ba greg, ayos lang ako. hahaha" sagot ko.

"uhm ba’t mo pala ko tinawagan?" tanong niya

"kasi hinahanap ko si dash" halos pabulong ko yung sinabi sakanya para hindi marinig ng mga bodyguard ko na nakatayo lang sa di kalayuan

"yun nga rainne. nung araw na hinila kita hindi ko na ulit nakita si dash. mukha ding walang tao sa bahay nila nung pinuntahan ko" sagot ni greg

"ah ganun ba. salamat hah" nakaramdam ako ng kakaibang lungkot. nasan ka na ba dash. kailangan natin mag usap.

/FLASHBACK END/

simula nun, halos gabi gabi akong umiiyak. iniisip kung nasan siya, kamusta na ba siya. bakit kung kailan kailangan ko siya tsaka ko siya hindi makita. sumuko na ba siya? hanggang sa nagbalik sa alaala ko yung narinig kong usapan ni eunice at ng napag alaman kong daddy niya

"daddy kamusta na po si dash?" tanong niya sa lalaking kausap niya

"okay na siya ngayon hija pero hindi pa din siya pinapalabas ng lolo niya. hindi pa din gumagaling ang mga sugat at pasa na nakuha niya ng mabugbog siya" sagot ng may edad na lalaki

"alam kaya ni lorainne na binugbog ng daddy niya si dash"

nabigla ako sa sinabing iyon ni eunice. si daddy? bakit niya ginawa yun kay dash? wala naman siyang kasalanan. Ba’t niya kailangan saktan ang taong mahal ko.

pagka-uwing pagkauwi ko nung araw na yun. hinanap ko agad si daddy at kinausap

"daddy, bakit mo sinaktan si dash? Ba’t mo siya binugbog? kailan nangyari yun?" agad kong tanong kay dad

"hinaan mo ang boses mo lorainne" saway sa’kin ni daddy

"dad, answer me" sigaw ko pa

"hija, wag mong sigawan ang daddy mo" awat ni mommy

"dapat lang kay dash yun. at hindi lang yon ang makukuha niya kapag nakita ko pa siya o nalaman kong lumapit siya sayo. hindi nga tayo kasing yaman ng mga villegas, but don't dare me lorainne, i'm still your father and you don't know what is the worst thing i can do para lang mailayo ka sa gulo na dala niyang dash kyle villegas na yan" madiin na sabi ni daddy. may pagbabanta sa tono niya pero hindi ako nagpadala sa takot. Oo, bumalong ang luha ko dahil nag aalala ako para kay dash pero nagawa ko pa ding sumagot

"dad, mahal ko si dash at wala siyan kasalanan. bakit hindi mo siya bigyan ng pagkakataon na ipaliwanag sayo ang lahat? maayos naman tayong lahat dati"

"lorainne makinig ka. ikakasal na si dash, wala ka ng magagawa dun. ikapapahamak mo lang kung ipipilit mo an sarili mo sakanya. kung ngayon palang nasasaktan ka na, mas masasaktan ka pag tinuloy mo yan. at hindi ko kayang makita kang nasa ganung sitwasyon. kaya ngayon palang layuan mo na siya" sagot ni daddy

"dad, sa ginagawa mo mas nasasaktan ako. kayo ni mommy ang mga taong inaasahan kong makakaintindi sakin, samin ni dash. pero bakit ganyan kayo? mahal ko si dash, dad please"

"layuan mo si dash. o ako ang gagawa ng paraan para hindi na talaga kayo magkita" pagkasabi ni daddy nun umalis na siya. ang mga salitang yun ay puno nang pagbabanta. hindi ko alam pero kakaibang takot ang bumalot sakin. at napagpasyahan kong iwan si dash. ayoko nang hintayin pa kung anong pwedeng gawin ni daddy. ayoko makita si dash na masaktan sa kamay ng sarili kong ama. Hangga’t kaya kong pigilan, ayokong magkaron ako ng dahilan para magtanim ng galit kay daddy.

--

nandito ako ngayon sa kwarto ko ng makarinig ako ng mahihinang katok

"sino yan?" tanong ko

bumukas ang pinto at bumungad sakin si greg

"rainne, kamusta ka na?" tanong niya

"greg" yun lang at yumakap ako sakanya tsaka umiyak. tinapik tapik niya ang likod ko

"sige rainne, iiyak mo lang. alam ko masakit ang mga pinagdadaanan mo ngayon, tandaan mo nandito lang ako sa tabi mo" matapos kong umiyak at pakiramdam ko wala na kong mailuha pa nagkwento na ko kay greg

"tingin mo ba ikabubuti ng lahat ang pakikipag hiwalay mo sakanya?" tanong niya

"hindi ko alam. basta alam ko lang pag nilayuan ko siya, hindi na siya sasaktan ni daddy. ayoko siyang saktan ni daddy. ayokong makita ang dalawang taong mahal ko na magkasakitan dahil sakin"

"kung ako rin siguro ang nasa sitwasyon mo baka hindi ko din alam ang gagawin. ang tapang mo rainne, kinaya mong masaktan para sa mga mahal mo. pero wag kang mawalan ng pag-asa. malay mo pagsubok lang to’ sainyo ni dash. may mga bagay na akala natin wala ng pag-asa na maayos pa, pero malay mo dumating yung araw na kayo pa din pala ni dash, pero sa ngayon tignan niyo muna kung ano ang mga mangyayari" nakangiting sabi no greg

"tingin mo?" tanong ko

"Oo, alam mo ba simula pa lang noon naniniwala na ko sa DashRainne love team. kaya lang naman ako umuwi dito para masigurong mahal ka talaga ni dash e. yun nga lang masyadong madaming nangyari pero isa lang ang alam ko. mahal ka niya at di siya susuko ng ganun kadali para sayo" nakangiti niyang sabi. aaminin ko, gumaan ang loob ko sa mga sinabi niya. sana dumating siya at sabihing maayos na ang lahat at kami pa ding dalawa.

Torpe + Manhid = ??? (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon