Tears and HeartAche

376 5 0
                                    

[Author's Note: This is the Revised and Edited Story of Torpe + Manhid = ???]

Posted: December 26, 2013

[Eunice POV]

"Wow ma’am ang ganda niyo naman po" sabi sakin nung nag aasist sakin sa pagsusukat ng gown

"ay salamat po" nahihiyang sagot ko

"ang gwapo din po nung mapapangasawa niyo. bagay kayo" sabi pa niya

ngumiti lang ako. kung alam lang niya kung gaano ako sinusumpa ni dash sa araw araw. pero lahat yun tinitiis ko, hindi para sa pera kundi dahil sa araw araw na kasama ko siya nag simula akong humanga sakanya. at di ko namalayan na isang araw nahulog na pala ako. I’m totally inlove with him. Hindi mahirap mahalin si dash, siya na ata yung ideal man na mamahalin ng kahit sinong babae. Bukod sa gwapo at galing siya sa magandang pamilya, maganda din ang kalooban niya at tapat siya magmahal.

"Pero parang ang bata niyo pa nung mapapangasawa mo. siguro sa sobrang mahal na mahal ka niya kaya ayaw ka na niya pakawalan kaya siguro maaga kayong magpapakasal" tuwang tuwa pang sabi niya

"ahm... ah hehe ok na ba?" iniba ko nalang yung usapan. dahil lahat ng sinabi niya malayo sa katotohanan. ako? mahal na mahal ni dash? haha sana lang talaga. kaso hindi e. araw araw sa school nakikita ko siyang pilit hinahabol si rainne. o kaya naman magtatago siya sa isang puno o poste habang tinitignan si rainne. at ako naman tahimik na naka masid lang sakanya.

"konti na lang po. uhm... ayan, ayos na po. tara ma'am ipapakita natin sa groom ung ayos niyo kung magugustuhan niya" sabi pa niya

make up trial kasi ngayon at fitting ng mga isusuot namin. halos magdadalawang buwan na ding break sila dash at lorainne. naka set na din yung wedding namin sa buwan ng mayo. lumabas ako at pinakita kay dash yung suot kong gown. pero walang emosyon niya lang akong tinignan.

"sir, ang ganda ganda po ni maam noh. ayos na po ba sainyo yung make up niya? light lang po ung nilagay namin para po di matakpan ung natural beauty ng bride" tuloy tuloy na sabi nung babae. tinignan lang ako ni dash mula ulo hanggang paa ng wala pa ding emosyong mababakas sa mukha niya

"ok na" tsaka siya tumalikod at muling inayos yung suot niyang tuxedo. ang gwapo niya sa suot niya. mukha siyang prinsepe. tinignan ko lang siya.

"sa oras na makasal tayo, gagawin ko ang lahat para makalimutan mo siya" bulong ko sa isip ko. konting panahon na lang. malapit na

--

[Rainne’s POV]

lumipas nanaman ang buong araw na nakakulong ako sa sarili kong kwarto. matagal na nung huli kong nakausap si dash. ang huli naming pag uusap na tumapos sa ugnayan naming dalawa.

"mahal na mahal pa din kita dash" mahina kong sambit habang nakatingin sa kawalan.

bumalik ako sa dating ako. yung lorainne na nakilala ni dash. yung lukring na tinatawag niya. yung palaging nakasuot ng puting bestida na akala mo laging may kumunyon. yung lorainne na walang ka ayos ayos. bakit pa ko mag aayos? eh lagi lang naman ako nasa kwartong to’. lumabas man ako hanggang sa bakuran lang din namin. gusto ko ng makita si dash. miss na miss ko na siya.

niyakap ko yung unan ko habang nakatingin pa din sa kawalan. maya maya ay bumuhos na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. sana naiisip niya ko. sana miss niya na din ako. sana balikan niya ko. sana ipaglaban niya ko. sana kami pa ding dalawa. sana makita at mayakap ko na siya. "dash, bumalik ka na. mahal na mahal kita”

--

[Dash’s POV]

kakarating ko lang sa bahay at dumeretso ako sa kwarto ko. humiga ako at muling nag isip. iniisip ko na sana sa araw araw na inaayos ko ang kasal na to’ sana si rainne ang kasama ko. na sana kasal namin ni rainne to’. na sana kami pa at sabay na haharap sa altar ng magkasama sabay ng pangakong magsasama habang buhay sa hirap man o ginhawa.

Torpe + Manhid = ??? (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon