Ch. 19: One Great Plan

189 14 0
                                    


Nathaniel Herrera


We're plotting a scheme for days now pero hindi pa rin namin ma-perfect ang gagawin.


"What if hindi ito magwork?" tanong ni Ishii, pertaining to our plan. 


Hindi ko siya nilingon pero sinagot ko ang tanong niya.


"Hindi ko kailangan ng nega dito."


"Nathe naman kasi," bahagya niyang tinapik ang mesa kung nasan kami para makuha ang atensyon ko. Napalingon ako sa kanya dahil doon.


"Ano?"


"Cliche na 'yang kailangan nating pagselosin 'yung dalawa at gagamit tayo ng iba para magawa iyon. Masyado kang fan ng mga teledramas, ha."


Pinaningkitan ko siya ng mata.


"Nakakahiya sa'yo na wala pang naambag, ha. Nakakahiya talaga. Lumayas ka na nga lang diyan. Kaya nga ako nandito sa garden dahil tahimik dito, eh, kaso nandito ka rin naman."


Sumimangot siya at sinamaan ako ng tingin. Pero hindi naman siya umalis sa harap ko.


Paano ba? Ganito kasi ang naisip ko, tutal maganda naman si Nathalie, maghahanap ako ng someone na pwedeng manligaw sa kanya. Bahala na kung paano magagawa iyon ng mahahanap ko pero kung sino man ang mahanap ko, dapat kasing pogi o mas pogi yon kay Rainbow kasi kung totoong malandi si Nathalie, may possibility na patulan niya ang lalandi sa kanya.


Ang tanong, saan ako makakahanap ng mas pogi kay Rainbow eh, hello!, kung mas pogi lang kay Rainbow ang hahanapin, si Andy Aquino lang ang maaari mong makita rito. But of course, off limits si Andy dahil may girlfriend na iyon na Tamarra ang pangalan at hindi ko maiimagine ang gagawin sakin ni Caile kung sakali.


Napa-face palm ako. Ano 'to, ako lang ang mamomoblema? Palamuti lang si Ishii dito? Sisitahin ko sa siya nang mula kung saan ay sumulpot si Milliano at Ria at naupo sa harap ko. Tinulak ni Millie si Ishii para silang dalawa ni Ria ang umoccupy sa seat sa harap ko, no choice si Ishii kung hindi ang tumabi sakin. Umusog ako to give her space.


"Agenda mo, prend?" tanong ko. Wala kaming klase kasi nagkaroon ng biglaang meeting ang faculty kaya nagkalat kami ngayon kung saan-saan.


"Nagawi lang kami ni Ria dito, nakita namin kayo. Anong meron? At kailan pa kayo nagsama nang hindi nagkakasakitan?"


"Noong fieldtrip." sagot ni Ishii sa tanong.


"Saka kahapon, sa mall. Kasama sila," dugtong ko saka tinuro si Ria. Napalingon si Millie sa kanya at nginitian niya lang ang huli. "Hindi mo alam iyon kasi wala ka." dugtong ko.


"I see." tatangu-tangong sagot niya saka ibinalik sa'min ni Ishii ang paningin. "So, ano ngang meron at nandito kayo?"

He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon