77: Lucy With A Shotgun

84 3 0
                                    

Light's POV:

"Good morning Shane" naka indian seat sya sa kama nya nang buksan ko ang pintuan. Lumapit muna ako at inilapag ang gatas sa side table nang kama nya. Hawak nya pa ang barney nya at nakatitig dun nang seryoso. Masyadong seryoso kung ako ang tatanungin mo

"Ano na naman ba yang ginagawa mo?" tanong ko sa kanya. Ibinaling nya ang tingin nya sakin at umiling lang

"Wala naman kuya. Bakit pala ang aga mo gumising?"

"Wala, nagising lang talaga ko nang maaga" pero sa totoo lang gusto kong malaman kung anong nangyari kay Raven kahapon. Sinugod na naman sya nang mga tauhan ni Clovis at hindi ako makatulog sa kaiisip. Kapag ba naubos na ang mga laruan nya sya na mismo ang maglalaro?

"What's with the sewing kit?" tuon ko sa sewing kit sa ibabaw nang kama nya

"Ah yan ba, wala, nilagyan ko lang nang heart design sa tummy nya si Barney" ipinakita nya sakin ang nakaburda sa stomach nang barney nya. Bakit ngayon nya pa naisipang laruin yun eh hindi naman na nya dati pinapansin yun ah?

"Inumin mo na yung gatas mo, I'll see you downstairs" nakangiti syang tumango sakin. Bumaba na ko sa kwarto nya at nagpunta sa living room. Nakapagbihis naman na ko at kanina pa ko gising

Matagal-tagal rin akong naghintay bago tuluyang bumaba si Shane dito sa living room. Nakabihis na rin sya at may dala nang bag. Wala ako sa mood na madala nang bag kaya hindi na ko magdadala. Kumain muna kami ni Shane bago umalis nang mansyon at dumiretso sa school

"Bukas na ang alis ni Blake diba?" pang-uusisa ko,wala kasi akong ideya sa nangyayari dun sa kambal ni Alexa

"Oo, nakakainis nga eh. Ang bilis-bilis pwede namang dito na lang sya kasama si ate Alexa" nakasimangot na sagot nya. Ganun na ba talaga sya ka close dun sa Blake na yun? wala pa kasi syang nagiging kaybigan na lalaki dati dahil hindi ko pinapayagan pwera na lang si Raven na hindi lang naman kaybigan ang tingin sa kapatid ko kaya exempted sya

"Shane!" tawag kaagad ni Raven nang makapasok kami nang classroom

"Hey" nakangiting bati nya at pumunta na sa upuan nila. pansin ko lang na may nakabukol sa bag nya. napangiwi na lang ako, dala na naman nya yung barney nya. Akala ko nga makakaget over na sya dun tapos babalik na naman ngayon. Buti na lang at hindi nya kinausap yung barney na yun nang papunta kami dito

"Nasan si Alexa?" tanong ko kay Blake na nakaupo sa tabi ni Shane. nasa harap lang nila si Raven which is weird dahil mukhang ok lang sa kanya na hindi sya ang katabi nang kapatid ko

"She'll be late, nag-overslept kaya napuyat" sagot nya. Tumango na lang ako. Hindi ko rin kasi matanong kung bakit napuyat si Alexa dahil medyo naiilang pa rin ako sa kapatid ni Alexa

Umupo na ko sa upuan ko. Mas ok pala pag walang bag, dapat una pa lang hindi na ko nagdala nang gamit dito eh. Kami pa nga lang ang tao dito sa classroom. May event kasi ngayon sa gymnasium kung san may mga clown daw at pakain nang mga deserts sa bata. Wala naman akong ganang pumunta dun dahil siguradong wala lang kwenta, ganun rin siguro ang iniisip nila. kahit naman isip bata si Shane nabobored din yun kapag wala syang kakilala. pinayagan naman kami ni tita Rachelle na mag stay in nilang dito kaya dito na lang kami tatambay. Mga 10:00am pa kasi ang balik nang mga estudyante eh 7:10am pa nga lang

"Pwede ba kong maupo muna dito" napatingin ako sa kambal ni Alexa

"Sige lang" umupo sya sa tabi ko

"May problema ba?" tanong ko dahil hindi nya inaalis ang seryosong tingin nya sakin. Bigla ko tuloy naalala yung itatanong ko kay Raven tungkol sa nangyari kahapon pero makakapaghintay naman siguro yun

The ProdigiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon