"Ay gano'n, sana pala hindi ka na pumasok ulit!" binatukan naman niya ako sa sinabi ko.

"Baliw ka, kaya ka hindi nakapag-register." Aniya pa. Pinaalala na naman niya sa akin 'yon, nakalimutan ko na nga eh! Makaka-move on na nga ako eh, binalik pa! "Ano nang gagawin mo?" tanong pa niya.

Tinaasan ko naman siya ng kilay, "edi mag-aaral, gaga ka?" tawa ko pa sa kanya.

Babatukan pa sana niya ako pero nailagan ko, "baliw, hindi mo ba pipilitin na sumali pa?"

"Para saan pa ba?" buntong hininga ko pa. "Limited slots lang naman ang meron, hindi ako nakaabot kaya ayun, okay na ako! Mag-aral na lang tayong dalawa!"

Hindi na naman niya ako sinagot, wala na naman na akong magagawa eh. Hayaan na lang natin.

First subject namin, hindi pumasok ang professor namin. Mukhang tinamad kaya nagkwentuhan na lang kaming dalawa ni Anja. Pina-kwento niya rin sa akin 'yong tungkol sa Bae ko at 'yong napanood ko nga sa video at halos ma-bitter naman siya sa akin dahil mukhang mahahahanap ko na nga daw ang forever ko.

Ang baliw lang ni Anja.

"Baka nga, you know, nati-trip lang?"

"Trip lang pero tuloy tuloy lang kayo sa ginagawa niyo? Kung trip lang sa kanya na reply-an ka, dapat noon pa lang tumigil na siya dahil matatawa na lang siya sa mga ginagawa mo, diba?" aniya pa.

Napakibit balikat naman ako sa kanya, "pero sa tingin mo, anong meron kay Bae? Kasi ganito 'yon, ang gaan lang ng pakiramdam ko sa kanya. Sa tuwing magsusulat ako sa kanya, 'yong mga gusto kong sabihin bigla bigla na lang nawawala kaya 'yong mga tanungan ko rin sa kanya. Masyadong common at ang OA ng datingan tapos kanina, naka-record-"

"Oh my gash, don't tell me may sca-"

Tinakpan ko naman 'yong bibig niya at pinandilatan, babaeng ito! Kung ano ano naiisip.

Inirapan ko naman siya, "ang adik mo rin ano? Syempre hindi. Gaya ng ginawa ko sa kanya noon, I filmed him, ayun din ang ginawa niya kanina. Nagsusulat ako at fina-flash naman ko naman sa slr ang mga sinusulat ko."

"Ah, parang fansign ang datingan ah." Tungo pa niya.

I nodded to her, "parang gano'n na nga." Sabi pa niya sa akin.

2pm na, thirty minutes pa bago sumunod ang next subject namin biglang nawala sa paningin ko si Anja. As in, paglingon ko nawala bigla. Hindi man lang nagpaaalam sa kain. I tried to contact her pero hindi naman niya sinasagot.

"Adik 'to, baka may sakit pa at nauwi na lang." iling ko pa sa kanya.

Pumunta na lang din naman ako sa next subject ko. Wala rin 'yong prof, sana pala hindi na lang ako pumasok. Kaasar! 'Yong iba ko namang mga kaklase, umalis na dahil hindi na naman daw darating 'yong prof. Nag-stay pa ako sa room, ayoko namang umuwi ng maaga dahil wala naman akong gagawin sa condo, boring din minsan pero dahil kay Bae, hindi nagiging boring ang pagtira ko doon.

"I'm sorry I'm late!" napatingin kaming mga natitira sa room sa babaeng hingal na hingal na pumasok and I was shock when I saw, Anja standing there, nakahawak sa chest niya. Hingal na hingal.

"Anja?" banggit ko sa pangalan niya at tumabi siya sa katabing silya ko.

"Walang prof?"

I shrugged, "mukhang wala naman, nagsi-alisan na 'yong iba eh." Ani ko pa. nang maupo naman siya at tinanong ko na siya, "saan ka ba galing? Akala ko tuloy umuwi ka na kaya pumunta na ako dito mag-isa."

"Basta, mamaya pagkatapos natin dito, punt aka auditorium." Sabi na lang niya sa akin.

Tinanong ko naman kung bakit, hindi na niya ako sinagot kung ano man 'yon. Hindi ko tuloy alam kung anong meron kaya mamaya, gora na lang daw agad pagkatapos ng klase pero dahil wala na kaming prof, pumunta na kaming auditorium.

"Ano ba kasing meron?" pangungulit ko pa sa kanya.

"Basta, kasi, pumasok ka na lang sa loob niyan." Aniya, hindi pa rin niya sinasagot ang tanong ko. Tinulak niya ako papasok sa loob at nang makita ko naman kung sinong bumungad sa akin, napangitin na lang ako.

"You must be Maine Alvarez?" she asked. How did she know my name? Ano bang kinalaman ni Anja dito? Tumango naman ako sa kanya, "come," she said, sumunod naman ako dahil wala rin naman ibang tao dito sa loob ng auditorium kundi kaming dalawa lang.

"A-ano po bang meron?" tanong ko pa sa kanya.

"Here," ano bang meron sa mga tao ngayon at hindi nila sinasagot mga tanong ko? napatingin naman ako sa isang maliit na parang calling card, "punta ka sa araw na 'to, ha." Aniya.

Nakakunot lang ako dahil no idea pa rin ako hanggang sa ngayon.

Kinuha ko naman iyon sa kanya, "ano po bang meron? Anong gagawin ko dito?" tanong ko pa.

"Sige, Maine, makakaalis ka na."

Makakasapak na ako ng tao ngayon! Pigilan niyo ako.

Napapilit ngiti na lang ako sa kanya at tumango. Lumabas din naman ako ng auditorium at ang laki ng ngiti ni Anja na bumungad sa akin.

"Anong gagawin ko dito?" tanong ko sa kanya at pinakita sa kanya 'yong binigay sa akin no'ng nasa loob ng auditorium.

"Ano bang sinabi sayo sa loob, edi 'yon ang gawin mo." Sabi naman niya sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako sa kanya at sinilid sa bag ko.

Walang nangyari buong araw kundi, nauwi na lang din ako sa unit ko.

Tiningnan ko naman 'yong binigay sa akin na card at napaisip, oo ang lalim talaga ng inisip ko kung para saan nga ba talaga 'yon at isa lang ang pumasok sa isip ko. "Sa audition ba 'to?" pero mukhang imposible eh, baka nga sa ibang bagay 'yan. Assuming lang ako.

Bumaba ako para pumunta sa starbucks at naglibang-libang, kinulit na naman ako no'ng waiter na lagi kaming pinagtatambal ni Alexander kaya nang pabalik na ako sa condo, namintig ang tenga ko sa narinig kong pangalan.

"Alden!"



You're EverywhereWhere stories live. Discover now