Chapter 28: Truth hurts

3.4K 143 7
                                    

Dalawang linggo na ang nakalipas. Tapos na rin ang sembreak. Nandito kami ngayon sa school Nagkaklase ako pero ilang minutes na lang bell na.

"Okay. Class dismissed."

*Kriiiingggg*

Sakto. Naglalakad ako sa hallway.

"Bessie!" Lumingon sakin si Miyasha.

"Oh andyan ka na pala." Parang balisa naman to.

"Problema mo?"

"H-huh? Wala."

"We?"

"Oo nga."

"Talaga?"

"Oo nga sabi."

"Talagang talaga?"

"Oo nga. Ang kulit mo." Natawa naman ako. Mukha kasing iritang irita na siya.
Habang naglalakad kami may papalapit samin. S-si David. Bakit nandito siya?

"Ayeka, pwede ba tayong mag-usap?"

Ano Ayeka? Papayag ka ba? Hindi wag. Tumingin ako kay Miyasha. Hinawakan niya naman ako sa braso parang sinasabi niya na kailangan. Huminga ako nang malalim.

"Sige." Pumunta kami sa garden.

"Kamusta ka na pala?" Ito, masaya na sana kaso bumalik ka kaya magdadrama na naman ako panigurado.

"Okay lang." Hindi ako makatingin nang diretso sa mata niya. Ang awkward. Masakit.

"Ah Ayeka Tungkol sat-"

"Wala yun. Tapos na yun."

"Ayaw mo bang malaman kung minahal talaga kita?" Sumikip ang dibdib ko.

"Para saan pa? Alam ko na naman na hindi mo naman talaga ako minahal. Alam mo ba nung iniwan mo ako, nung hiniwalayan mo ako, nabuhay ako sa lungkot at pait? Yang pesteng dahilan mo na may mahal ka ng iba, sobrang nagpasakit ng damdamin ko yun! Ikaw ang first love ko at ang sakit sakit na ikaw din ang first heartache ko. Masaya na ako ngayon. May mahal na akong iba. Bakit ka pa bumalik? Bakit mo binabalik ang sakit na hangga't maari, ayoko nang maramdaman pa. Tapos kakausapin mo ako para halungkatin ang nakaraan? Ang mapait na nakaraan? Hindi mo ako minahal! Niloko mo ako! Niloko mo ako!" Hindi ko namalayan na umiiyak na ako. Bakit ganoon? Yung sakit, bumalik? Naninikip ang dibdib ko.

"Paano mo nalaman na hindi kita minahal? Mali ka Ayeka. Maling mali."

"Ako pa? Ako pa ang mali? Ako ba ang nang-iwan? Ako ba ang nanloko? AKO BA? ANG KAPAL NG MUKHA MO PARA SABIHIN YAN!"

"Bakit? Hinayaan mo ba akong makapagexplain? Hindi naman diba? Kasi nagconclude ka agad! Akala mo sayo lang masakit? Hindi! Saakin din. Hindi mo alam kung paano ako naghirap para ipaglaban ang relasyon natin noon! Pero imposible. Hindi kita iniwan. Minahal kita ng sobra sobra higit pa sa buhay ko. Hanggang ngayon Ayeka pero hindi pwede. Yung may mahal akong iba? Hindi totoo yun! Iniwan kita hindi dahil hindi kita mahal. Iniwan kita kasi kailangan! Kasi bawal ang naging relasyon natin! KASI KAPATID KITA!"

K-kapatid? Hindi ako makapaniwala. Hindi totoo. Dahilan lang niya to.

"Ano? Gumagawa ka na naman ng dahilan?"

"Hindi to dahilan Ayeka. Maniwala ka man o sa hindi,Totoo to. Noong umuwi ako ng states, sinabi ni lola na pumunta ako sa bahay ni daddy. Pumunta ako pero wala sila. Pinapasok ako ng maid. Nilibot ko ang bahay hanggang makarating ako sa bedroom mo. Nakita ko ang family picture niyong tatlo. Umalis kaagad ako nun. Ilang araw akong nagmukmok dahil ang girlfriend ko, kapatid ko pala. Mali yun Ayeka. Hindi ko sinabi kay Lola at Randell. Alam ko na nakilala mo na si Randell bilang kuya at ako na lang ang hinihintay. Umuwi ako ng pilipinas dahil sa utos ni lola. Hindi ko gustong saktan ka Ayeka. Hindi ko gusto." Niyakap niya ako. Umiiyak na din siya. Grabe na ang iyak ko. Pinipilit kong alisin ang kamay niya na nakayakap sakin hanggang sa maalis ko. Tumakbo ako papalayo sakaniya.

"AYEKA!"

Akala ko masaya na. Hindi pa pala. Akala lang pala ang lahat. Takbo lang ako nang takbo habang umiiyak. Hindi ko na to kaya. Mahirap tanggapin na ang ex ko ay kapatid ko. Sobrang hirap at sobrang sakit. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Sa ngayon gusto ko munang mapag-isa.

My Four Boy Friends (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon