Chapter 24: Did I just see him?

3.4K 145 2
                                    

Ang ganda ganda dito. Nasa resort kami sa Laguna. This resort has 20 swimming pools. Iba't iba. Kung tutuusin, pwede nang beach to. Nasa private part kami. Inarkila namin pero lumabas ako saglit para libutin ang paligid. It's 7:00 in the morning. Di na nga ako natulog dahil natulog na ako sa biyahe samantalang yung mga baliw na kaibigan ko, knock out pa.

Bored ako sa bahay kaya lumabas muna ako.
I can see children and parents playing on the swimming pool.

Nililibot ko ang paningin ko nang makita ko ang isang pamilyar na lalaki. Hindi. Hindi to maaari. Biglang kumabog ang dibdib ko. Sinundan ko ang lalaki kahit natatakot ako na makita niya ako. Sunod lang ng sunod kaso biglang may dumaan sa harap ko at nawala na yung sinusundan ko ng tuluyan. I blinked my eyes three times.

"Baka guni guni ko lang." I said to myself. Bumalik na ako sa house at sakto namang gising na silang lahat. Nakahanda na nga ang breakfast eh.

"Oh, san ka galing?"

"Wala. Naglibot lang."

"Kain na. Then pahinga tapos magbihis ka na ng pangswimming." Bilin ni Randell.

Minsan talaga gusto ko na tong maging kuya. Napakamaalaga eh. I followed his order. Pagkatapos ko kumain, nanood muna ako ng movies. Naiyak ako sa way back home. Yung bata kasi nagbago bigla eh. Ok. Spoiler na ako.

Anyways, nagshower na ako and nagbihis ng two piece swim suit ko and bumaba na ako.

"Wit wit!" Sipol ng mga boys namin na nakatrunks lang. Tapos na ang almusal pero ang dami pa ring pandesal. Hahaha.

"Mga baliw kayo." Sabi ko naman.

"Leggo!" Sabi ni Wyner. Lahat kami nagpunta na sa swimming pool.

Nagulat kami kasi biglang tinulak ni Wyner si Randell sabay sampa. Tinulak naman ni Eugine si Miyasha at ako naman tinulak ni Cliff. Lahat kami nasa swimming pool na.

"Laro tayo guys. Yung pinapatong yung babae ng lalaki sa balikat nila tapos bahala na yung mga babae para itumba kalaban nila." Yaya ni Miyasha. Since kami lang dalawa ni Miyasha ang babae, si Wyner ang partner ni Randell. Mas macho naman si Randell eh kaya i'm sure he can handle him. 1st round kami ni Miyasha. Nanalo si Miyasha kaya siya ang lumaban kay Wyner. Ang sakit ng ilong ko.

"Okay ka lang ba?" Cliff asked me.

"Oo. Medyo nalunod lang sige na, laro ka na ulit." Then bumalik ulit siya sa pool.

Habang masaya ko silang pinapanood biglang sumagi na naman sa isip ko ang lalaking nakita ko kanina. Andito na ba siya ulit? Siya ba yun? Siya ba ang lalaking nanakit sa akin? Ang first love ko? Siya ba si David?

My Four Boy Friends (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon