Chapter 8: Unang pagbabagong anyo

4.5K 195 1
                                    

Ayeka's POV

3:00 palang pero naligo na ako. Ano ka ba? Halerrr Big Bang concert yun no. Kahit na mayaman kami, I don't really attend concerts of my favorite boy bands kasi focus ako sa pag-aaral.

Dati yun. But now, iba na. Sabi kasi sakin ni mom, wag ko daw pagudin ang sarili ko. Hindi naman daw grades ang batayan kung gaano ka katalino kundi kung paano ka nag-aaral at nakagraduate ka nang maayos.

Hmmm, ano kayang susuutin ko? Ah eto na lang. Tight Jeans tapos nakablouse ako. Then nakadoll shoes. Tapos na ako magbihis para pag sinundo ako mamaya ni Cliff, aalis na lang kami.

Pagkababa ko, nakita ko si yaya Linda na nagluluto at kung tinatanong niyo kung nasan sina mom, malamang nasa trabaho.

"Hmmmm, Ang bango naman niyang yaya."

"Aba, siyempre ako nagluto eh. Teka lang, san ka pupunta at nakabihis ka?"

"Concert po."

"Concert? Eh bat ganyan ayos mo? Sinong kasama mo?"

"Si Cliff po. New friend."

"Lalaki? Nako anak, magbihis ka."

"Huh?" Napatingin ako sa damit ko. Okay naman ah.

"Okay naman po ah."

"Hindi okay yan. Ang baduy tingnan." Ouch naman.

Hinila ako papaakyat ni yaya then pagkarating sa kuwarto, naghanap siya ng mga damit.

"Ayuuun!" Sigaw ni yaya. Pinakita niya sakin ang short. Galaxy ang style. Shete san niya yan nakuha?

"Ito pa!" Pinakita niya naman sakin ang isang crop top. Black and pink. Teka, san niya ba nakukuha yan?

"And with these," Sneakers naman ang kinuha niya. Color black din.

"Perfect ka na."

"Yaya, okay naman po yung damit ko eh."

Ayoko magsuot niyan. Ang ikli ikli eh. Siguro si mommy yung bumili niyan. Gusto kasi talaga ni mom na mag-ayos ako sa sarili ko kahit papaano.

"Magbihis ka na."

"Pero ya--"

"ISA." Wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Kinuha ko yung damit at pumasok sa cr. Sinuot ko ito agad at paglabas ko, ganto ang expression ni yaya.

O_O

Sabi na nga ba di sakin bagay ang gantong suotan.

"Anak! Ang ganda mo! Bagay na bagay!" Ako naman ang nagulat. Niloloko lang ata ako ni yaya eh.

"Yaya, wag mo na akong bolahin."

"Di kita binobola no. Totoo. Kaso may mali eh." Yeah. Palagi namang may mali sakin eh.Tinanggal ni yaya ang salamin ko.

"Teka yaya, ang labo."

"Wait lang. Wag kang gagalaw diyan." Nubayan ang labo ng paligid. Wala akong makita.

"Upo ka dyan." Umupo ako habang inaalalayan niya ako. Tapos may nilalagay siya sa mata ko. Ano to? Contact lens? Yung binili ni mama para sakin pero di ko ginagamit.

"Yaya naman eh."

" Wag kang malikot." Pagkakabit niya sakin non, nakita ko agad ang sarili ko sa salamin.

Nagbago nga ang itsura ko. Wala nang salamin at wala nang baduy na damit. Ang ganda. Ang ganda nang ginawa ni yaya.

"At for the final retouch, Make-up!" At dahil natutuwa si yaya at ako, pinabayaan ko na siya. Onting foundation lang tapos lipstick, mascara at blush on. Tapos na. Wow. Ang ganda ko.

"Ayan, ang ganda mo talaga Ayeka. Manang mana ka sa mama mo." Napangiti naman ako dun.

"Thank you yaya."

*peep.peep.*

May bumusina.

"Ay teka, baka sundo mo na yan. Sige pagbubuksan.
ko lang. Then umalis na si yaya. Hindi ko namalayan na 5:30 na pala. Sumunod na rin ako kay yaya. Sana maayos lang itsura ko.

Cliff's POV

"Ay nako, ingatan mo yang bunso namin ah."

"Siyempre naman po. Manonood lang naman po kami ng concert eh."

"Oh ayan na pala siya." May bumababa. Teka, s-si Ayeka ba to? Bat iba ang itsura? Papalapit siya sakin. Ang ganda niya. Wala siyang salamin at nakacontact lens lang. Grabe. Dyosa.

"Oy! Gising ka dyan!"
Biglang bumalik ang isip ko. Nasa harapan ko na pala siya. Nakita ko namang tumawa yung yaya niya.

"Ah sige yaya, alis na po kami."

"Opo, aalis napo kami."

"Sige. Ingat!" Pagkaalis namin, di ko siya mapigilang di purihin.

"Ayeka, ang ganda mo ngayon."

"Haha. Salamat. Inayusan kasi ako ni yaya eh." Pinagbuksan ko siya ng pinto. At nung nakasakay na siya, ako naman ang sumakay sa driver's seat. Pinaandar ko na yung kotse.

Habang bumabiyahe kami, I can't refuse not to look at her. She's so gorgeous.

Maya maya, nakarating narin kami sa aming desyinasyon. Mahaba ang pila pero since patron kami, pinauna kami. Kitang kita ko ang pagkaexcited niya.

This day will be a good day because I'm with her.

My Four Boy Friends (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon