Kaasar! Nagbabayad naman kami ng tuition ah? Hindi ba kasama 'yon? Dapat libre nga eh, kaasar! Ayokong maghintay ng ilang oras sa condo para hintaying ma-full ang battery at mapanood nag video. Napanguso na lang ako at nakinig sa mga lecture-este kwento ng buhay niya. Arggh.

After her long hour and thirty minutes na pagku-kwento, lumabas kaagad ako ng room. Vacant kaagad namin at after lunch pa ang susunod na klase namin kaya naman tumambay na muna kami sa library, hindi para magbasa kundi palihim na mag-charge.

"May audition daw para sa mga magagaling mag-gitara, drums and vocals." Namintig naman ang tenga ko sa narinig ko kaya naman nilingon ko 'yong mga babaeng nag-uusap sa kalapit na upuan namin. Lower your voices nga daw eh pero 'tong dalawa, mukhang hindi alam 'yon dahil rinig na rinig ko 'yong usapan nila.

"Tss, hindi naman kasi ako magaling sa mga 'yan, ikaw lang naman eh."

"Guitar lang naman ako, ito oh may postcard sila." Nakita kong binigay no'ng babaeng nagsabi na marunong mag-guitar sa kasama nito at tiningnan ko naman iyon. Para na akong giraffe para lang makita iyon. Yeah, I'm interested in that kind of instruments.

Hulaan mo kung ano do'n.

Mayamaya lang ay may umalis na silang dalawa. From my peripheral vision ay may nakita akong nahulog na kung anong papel ang babae at dahil nakalayo na sila, bawal sumigaw sa loob ng library, pinulot ko na lang iyon at nakita ko ang postcard tungkol sa audition na 'yon.

"Audition! Best of the best; drummers, guitars and vocals." Basa ko dito.

It's plain to see this kind of audition pero I get so interested with this matter. Nang mapansin kong palapit ang librarian ay agad akong lumapit sa saksakan at mabilis na hinugot ang charger ko at sinilid sa bag.

"Ano, full na ba?" tanong sa akin ni Anja.

"Paano mafu-full kung tanggal ng tanggal, diba?" sabi ko pa sa kanya.

Hindi na niya ako pinansin kundi nagbasa na lang ulit siya ng magazine, oo dinala niya 'yong magazine na binili niya no'ng event. Hindi daw nakakasawa basahin lalo na 'yong titigan niya 'yong mga abs ng lalaki doon. Kaya nang hinarap niya sa akin si Richard, nanlaki ang mata ko. He don't have this perfect 6 pack abs, maputi siya, fit ang katawan niya at nakakapanglaway dahil saktong sakto lang 'yong build ng katawan niya. Okay na for me.

Nagulat ako ng isarado ni Anja ang bibig ko, "hindi ko inakala na mapapanganga ka kay Richard ah," ngisi pa niya sa akin. "Well, gwapo nga naman talaga. Kaya akin lang siya," aniya pa.

Napailing na lang din naman ako at tumuloy na lang kami ng cafeteria para kumain na rin ng lunch. Nilibre ko na si Anja dahil kung ano ano daw ginagawa namin ngayon, anong connect naman no'n? Kaya nilibre ko na lang din siya. Habang kumakain naman kami ay may naririnig akong mga nag-uusap sa gaganaping audition nga.

"Ano 'yong naririnig ko na audition? Para saan? Ano bang meron?" takang takang tanong ni Anja. Dahil 'yong mga labas pasok na estudyante dito sa cafeteria ay 'yon ang mga pinag-uusapan, kahit ako excited na ako doon dahil matagal tagal na rin nang hindi ako nakakatugtog no'n. Oh! I miss it.

"Easy ka lang, Anja, ito oh, wait ka lang," kinuha ko naman sa bulsa ng bag ko ang postcard na napulot ko kanina at hinarap sa kanya iyon. "Ayan, ayan ang gaganaping audition."

Napakunot noo naman siya at kinuha ang postcard at siya namang binasa. Tinaasan naman niya ako ng kilay matapos niyang mabasa iyon.

"So? Anong gagawin ko dito? Wala naman akong talent diyan eh,"

You're EverywhereWhere stories live. Discover now