Conflict 39- Caught for an Eye

44.7K 620 18
                                    






(Samantha's POV)




Past 7 na pero wala parin si Raven. Ang usapan namin kasi 7 palang, nandito na sya. Pero parang wala syang balak puntahan ako kaya tinawagan ko na sya. Medyo matagal din bago nya ito nasagot. 




"Hoy Raven! Matagal ka pa ba? Naiinip na ako ee." Agad na sigaw ko.

"R-Raven? S-sinong Raven?

"Sino pa bang Raven? E di syempre ikaw?"




Hindi sya nagsasalita ng ilang segundo. Pero dinig ko ang paghinga nya.




"Hello? Andyan ka pa ba? Mr. Raven Claveria??

"Uh... Oo! Samantha! Andito ako..."

"Ano bang nangyayari sayo? Bakit parang ang weird mo?"

"W-wala! Teka! Magbibihis lang muna ako. Hintayin mo nalang ako dyan!

"Hintay nanaman? E kanina pa nga ako naghihintay ee!"

"Basta. Papunta na ako.." Then he ended the call.




Ano bang problema nun? Kanina akala mo kung sino syang excited magyaya ng dinner tapos ngayon male-late sya. 



8 na nang makarating sya dito sa bahay. Masama ang tingin ko sakanya. Alam ko na magrereklamo nanaman 'to. Kahit na sya ang may mali, sya parin ang magrereklamo. As usual...




"Bakit ang tagal mo!?" Tanong ko.

"Uh.. a-ano kasi ee. Nakatulog ako.. Hehehe

"Hmp! Ewan ko sayo. Tara na nga. Bago pa ako mawalan ng gana!




Dinala nya ako sa isang fine dining restaurant. Napaka weird lang ng kilos nya kanina pa. Ang clumsy clumsy nya at parang ninenerbyos. At ang pinaka weird pa sakanya.....













Half DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon