Conflict 29- Anything But That

49.8K 707 46
                                    



(Raven's POV)


She Can't be serious. Paano ko naman magagawa yun? 


"Days. . Wag naman yun. Di ko kayang gawin yun." Makaawa ko.

"Akala ko ba gagawin mo kahit na ano?" Hamon nya. 

"Pero Days. . ."

"See? Wala kang isang salita. Kung di mo yun kayang gawin then fine!

"Wait!" Pigil ko. "Kapag ginawa ko ba yun, papatawarin mo na ba ako?

"We'll see."

"B-but, I don't know if I can do it."

"Kung gusto mo talaga na mapatawad kita, then just do it."


Bigla na syang umalis. Iniwan nya akong mag-isang nakatayo dito sa beach side. Napakahirap ng pinapagawa nya. Almost impossible for me to do.



The Next Day. . .


"Sam. Wala naman syang kasalanan eh. Alam kong nagawa nya lang yun kasi nag-aalala sya kay Hillary." Paliwanag ni Bryan.

"Hindi! Sobra na sya." Pagalit na sigaw ni Samantha. "Kahit na ano pa ang reason, hindi nya dapat yun ginawa sayo."

"Tama ka Sam, pero tama rin naman si Bryan eh." Singit ni Adrian. "Ako nga sinapak ko sya ng walang Reason eh."

"Sinapak mo? Sino?" Samantha looks confused.

"Ah. Hehehehe. Wala." Napakamot lang sya sa Cheeks.

"Ano Bryan, masakit pa ba?" Alalang tanong ni Samantha.

"Ok naman ako. Hindi naman ako gaanong nasaktan." Nilipat ni Bryan ang tingin saakin. "Pasensya ka na rin sa nangyari kagabi. Kasalanan ko din."

"Ano ko ba Bryan," Samantha exclaimed, "Ikaw na nga 'tong nasuntok tapos ikaw pa 'tong humihingi ng sorry."


Nakaupo kami nila Adrian at Bryan sa couch habang nasa harapan naman namin si Samantha. Pinapagalitan nya ako dahil sa ginawa ko kagabi. Pero wala ako sa sarili ko ngayon. Hindi lang ako umiimik. Hindi pa kasi ako nakakatulog mula kagabi. Sa sinabi ba naman ni Days, talagang mababagabag ako. 



*Flash back*


". . . . . lahat?"

"Oo lahat lahat!

". . . . . sigurado ka?"

"Oo, sigurado ako! Basta maibalik ko lang ang pagsasama natin gaya ng dati."

"Sige. Kung ganun, gusto kong layuan mo ako pagkatapos ng vacation na 'to. Wag mo akong kakausapin sa personal or kahit sa phone. Wag mo rin akong itetext. No communication at all!"

"S-seryoso ka? D-Days. Ano ba naman klaseng kundisyon yan?

"Seryoso ako. Yun ang gusto ko.

Half DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon