Conflict 9- Like Brother, Like Sister

76.3K 1.1K 106
                                    

(Adrian's POV)

"Raven pasa!" Sigaw ng teammate ko na malapit na sa goal.

Di ko alam kung paano 'to ipapasa. I don't even know how to kick the ball right! Practice palang 'to pero halatang palpak na ako. However, sinubukan kong padin sipain ang bola sa pinaka malakas na kayo ko. As in full force!

Pero yung Full Force ko na yun, parang Pull Force! Hindi man lang kasi naalis ang bola sa harapan ko. Kaya naman agad 'tong naagaw ng kalaban at nai-goal sakanila. Lumapit saakin ang isa kong teammate.

"Ayos ka lang ba Raven? Parang wala ka ata sa mood maglaro ngayon ah." He said while tapping my shoulder.

"Ah. . Er. ." napakamot lang ako ng ulo.

"Hayaan mo, kung gusto mo magpahinga ka muna sa ngayon." He suggest. "Hindi naman natin kailangang madaliin ang practice eh. Besides, we have the whole week to do so kaya relax ka lang muna jan OK?

Umupo muna ako sa bench at pinanuod ko nalang muna sila. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin sakanila na hindi ako marunong dahil ang Raven na kilala nila ang star player DAW ng team. Ang layo naman kasi ng hilig ni Raven sa mga hilig ko. 

Oo nga pala! May pasok kami ngayon. Try ko kayang pumasok sa Westhive as a Normal Student? Tutal nasa pagkatao naman ako ni Raven kaya di yun magiging problema. 

Nagpaalam ako sa mga team mates ko at umuwi ng bahay para maligo at magpalit ng uniform. Maganda ang uniform nila. Long Sleeves with necktie at may vest pa. Then yung bag nila, yung school talaga ang nag provide kaya pare-parehas lahat ng estudyante.

Sumabay na ako kay Rio sa paglalakad papuntang school dahil kalapit lang nun ang highschool branch ng Westhive kung saan nag-aaral si Rio. Di raw ako usually sumasabay sakanya sa pagpasok. Pero tulad nga ng sabi ko, bagong Raven na ang makakasama nila ngayon. Pero ang totoo, di ko lang talaga alam kung saan ang Westhive kaya nakisabay ako. Hehehe 

Napa-Wow naman ako nang makita ko ang school. Malaki kasi at maganda ang pagkakadesign. Karamihan din ng mga estudyante dito ay may lahing Japanese dahil na din sa Japanese ang may ari nito.

"Mornin'." Bati ng isang estudyante saakin.

"Oh. Good morning din." Balik ko sakanya.

"Buti wala ka sa practice nyo ngayon? Laban nyo na next week diba?" Tanong nya saakin.

"Uh. . Kasi napagisip-isip kong mag-aral muna. Ehehehe." Palusot ko.

"How unsual." He looks confused.

"Anyway, papasok na ako." Sabay lumakad na ako palayo.

"Teka sabay na tayo!" Then sumunod sya saakin.

Sya si Klein, ayon sa I.D nya. Klein Kennedy. Classmate ko. I mean ni Raven. Anyway, sabay nga kaming pumasok ng Classroom at magkatabing umupo. Naglabas sya ng notebook sabay iniabot saakin.

"Eto pala yung assignment natin oh! Kumopya ka na!" He said while handing me the notebook.

"Ha? Bakit ko naman gagawin yun?" Tanong ko.

"Bakit naman hindi? E kelan ka ba hindi kumopya ng assignment?" Now he sounds all suspicious to me.

"Ehehe. Oo nga pala." Sumakay nalang ako sakanya. "E ano nga ba kasi ulit yung Assignment natin?" Sabay binuklat ko ang notebook at nakita ang ilang basic Trigo problems.

"Ayan oh! Iga-graph mo lang yan.

"Graph lang? E bakit pa ako kokopya? Graph lang naman pala?" Seryoso! Super basic lang talaga neto.

Half DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon